in

HABAGAT Concert at Photo Exhibit mula sa UKP Litrato Klub

Firenze, Setyembre 24, 2012 – Isang fund raising Concert “HABAGAT”  at Photo Exhibit ang handog ng Ugnayan ng Komunitang Pilipino Litrato Klub (Filipino Photographers in Florence) sa Firenze, Tuscany sa darating na Oktobre 14, 2012. Ito ay gaganapin sa Teatro Puccini sa Via Delle Cascine 41, Firenze. 

Ang nabanggit na konsiyerto  ay sa pakikipagtulungan ng UNICOOP Firenze sa pangunguna nina Luciano Rosseti at Daniela Mori – Direzione Soci e Strategie Unicoop Firenze, Fondazione Il Coure si Scioglie ONLUS,  Lidja Dominkovic ng ARCI at Philippine Honory Consulate of Florence.

Ang malilikom na pondo sa proyekto  ay nakalaang itulong sa mga biktima ng mapinsalang kalamidad na idinulot ng habagat.  Ang Children Centers at Day Care Schools sa tulong ng  ARCSEA Association for the Rights of Children in Southeast Asia sa Pilipinas ang beneficiary ng naturang concert. Mga kapuspalad nating kababayan sa Navotas at Marikina ay mga lubhang nasalanta ng habagat. Nasira ang kanilang mga kagamitan sa pagtuturo, mga libro, silid aralan at iba pa. 

“Ang tulong mula sa inyo para sa edukasyon ay magbubukas ng pintuan sa ating mga kababayan para sa magandang kinabukasan” mula kay UKP Pres. Juancho Aquino.  Pangungunahan ng Pinoy Tuscany Pride ang naturang concert na handog nina Tessy Pendergat, Camille Cabaltera, Justin Salazar, Lailani Bajao, Frequency Band, Megan Mamplata, Sentiche Remotin, Sanny Mermida, San Barnaba Choir, FNAT Dance Group, FCCF Dance Group at Move Mechanics. 

Magsisimula ang Photo Exhibit sa ika 10 ng umaga na magtatanghal ng mga obra o best shots ng membro ng UKP Litrato Klub dito sa Tuscany at sa Pilipinas.  Lahat ng Exhibit Photo ay for sale at ang malilikom na halaga ay itutulong sa ARCSEA. 

“Samahan po ninyo kami sa aming adhikaing makatulong sa ating mga kababayan na hanggang sa ngayon ay nagsusumikap pa rin makabangon sa kalamidad na dulot ni Habagat” ayon kay UKP  Litrato Klub Pres. Boie Escalante. (ni: ARGIE GABAY)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Karagdagang kasagutan ukol sa Sanatoria

Operation ‘Batangas’, tinugis ng mga pulis