in

Undocumented parents, maaari bang dalhin ang anak sa pediatrician?

Ako at ang aking asawa ay irregular o undocumented sa Italya. Nais naming malaman kung ang aming mga anak ay maaaring magpagamot at magkaroon ng sariling pediatrician.

Ayon sa batas sa Italya, ang mga menor de edad ay sumusunod sa katayuan ng mga magulang. Samakatwid, kung ang mga magulang ay undocumented, ang mga anak ay undocumented din.

Nasasaad sa batas Imigrasyon (TU), ang mga dayuhang menor de edad ay hindi maaaring bigyan ng order of expulsion maliban na lamang kung ang magulang o legal guardian ay napatalsik ng bansa. Ganoon din para sa health assistance, sa kabila ng nasyunal at internasyunal na mga batas ay may limitasyon ang access sa health assistance ng mga irregular minors.

Health assistance para sa mga regulars

Kung ang mga magulang ay regular ang pananatili sa bansa at mayroong dokumentasyon na nagpapahintulot upang magpatala sa SSN Servizio Sanitario Nazionale o National Health Services, ay maaaring magkaroon ng health assistance at magkaroon ng pediatrician hanggang sa edad na 16 anyos.

Tandaan na ang pagpapatala sa SSN ay batay sa uri ng permit to stay. Maaaring obbligatory o optional ito.

Health assistance para sa mga irregulars

Sa kasalukuyan, pinahihintulutan ng batas tumanggap ng health assistance ang mga dayuhang undocumented, partikular ang mga urgent at necessary medications. Sa katunayan, ang artikulo 35 ng D. Lgs. 286/98 ay nagsasaad na ang mga hindi regular na dayuhang nasa bansa, ay pagkakalooban ng outpatient treatment, hospitalization, urgent o necessary medications, emergencies, maging recovery sa sakit at anumang casualties.

Para sa urgent medications ay nangangahulugan na hindi maaaring ipagpaliban ngunit walang anumang panganib sa buhay o pinsala sa kalusugan ng tao. Para naman sa necessary medications ay nangangahulugan ng health services, diagnosis, theraphies sa karamdamang hindi mapanganib at hindi nangangailangan ng assistance sa lalong madaling panahon, ngunit sa paglipas ng panahon ay maaaring humantong sa mas malalang pinsala sa kalusugan o maging mapanganib sa buhay (komplikasyon, chronicity o worsening).

Sa Artikulo 35 pa rin ay hayagang nasasaad na “Ang pagkakaroon ng access sa mga serbisyong medikal ng mga undocumented ay hindi magpapahintulot sa anumang uri ng pag-rereport sa awtoridad, maliban na lamang sa mga kaso kung saan ang health assistance ay ipinag-uutos ng awtoridad.”

Ang mga irregulars o undocumented ay maaaring pagkalooban ng STP card na isang uri ng dokumento kung saan matatagpuan ang mga personal datas ng undocumented. Ito ay mayroong 6 na buwang validity at renewable. Sa pamamagitan nito ay maaaring magkaroon  ng access sa lahat ng health assistance.

Health assistance sa mga irregular minors

Ang kalusugan ng mga minors kahit pa undocumented ay pinangangalagaan, bukod sa Batas Imigrasyon o TU ng Italya pati na rin sa Convention sa mga Karapatan ng mga Bata, na partikular na binanggit sa TU.

Ang mga irregular minors ay mayroong karapatang tumanggap ng mga urgent at necessary medications, gayun din ng lahat ng obligatory vaccination ng Italya.

Kahit na hindi maaaring magkaroon ng sariling pediatrician, dahil sa sitwasyon, ang mga miyembro ng pamilya ng minors ay maaaring sumangguni at tumanggap ng health assistance mula sa consultorio familiare ng mga ASL kung saan maaaring tumanggap din ng mga check-up sa pediatrician at ilang mga serbisyo tulad ng weight control, feeding advice, hygiene, medications at iba pa.

Sa ASL ng bawat lalawigan ay matatagpuan ang mga detalyadong impormasyong kinakailangan para sa kalusugan ng mga minors at ng mga pamilya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Magkano ang dapat bayaran sa renewal ng aking permit to stay?

Ako ay Pilipino

Dagdag sa sahod sa domestic job ngayong 2019, mula € 7 hanggang € 15