in

Bersani: “Citizenship at tunay na integrasyon” – Renzi: “Tanggalin ang Bossi-Fini law”

One-on-one ng dalawang kandidato bilang Prime Minister ng Italya para sa second balloting. Narito ang kanilang opinion ukol sa imigrasyon.  

Roma, Nov 29, 2012 – Kabilang sa mga naging tema ang imigrasyon sa naging one-on-one debate sa telebisyon kagabi nina Pierluigi Bersani at Matteo Renzi, ang dalawang kandidato ng center-left coalition.

 “Clandestini o migranti irregolari, paano ninyo sila tatawagin? Para sa inyo, ang imigrasyon ba ay isang tema ukol sa seguridad o isang oportunidad?, ganito ang naging katanungan ni Monica Maggioni.

 “Kailangang ang mga migrante ay hindi mabagsak sa irregularities. Hinarap natin ang tema ng pagiging regular ng mayroong panghahamak, bilang resulta ay dumami ang mga irregulars at kailangan nating panindigan ang pagiging isang bansang makatao sa pamamagitan ng direct hire, na tatanggap sa mga ito bilang mamamayan sa tamang panahon, upang lalong mapabilang sa sosyedad, tulad ng ginawa ng ilang mga bansa na dumaan sa ganitong sitwasyon. Darating din ang panahon upang harapin ang mga taong nalunod sa Mediterranean, nakakahiya man ngunit darating din ang panahong ito”, ang naging kasagutan ni Bersani.    

Sa isang bahagi ng debate ay binanggit ni Bersani na ang reporma sa citizenship ay isa sa mga unang bagay na gagawin niya at haharapin kung mahahalal: “Ang isang binatilyo, o dalagita na anak ng mga imigrante na dito sa ating bansa nag-aaral, kasama ng ating mga anak ay isang mamamayang Italyano, para sa akin, sa simula’t simula pa lamang.

 “Ako ay sang-ayon kay Bersani – sagot naman ng mayor ng Firenze – tinatawag natin silang mga migrante at sinasabi rin namin na ang ating bansa ay mayroong mga batas na hindi angkop at dapat palitan. Ang isang kumpanya ng fashion sa Italya, o sa Firenze kung saan kilala ang aming lungsod, ay hindi maaaring pumili ng designer o ang isang paaralan ay hindi maaaring kumuha mula sa ibang bansa ng mga ‘experts’ o ‘genius’ sa sektor dahil sa Bossi-Fini law na humahadlang dito, kahit pa ang mga taong ito ay magdadala ng ‘talino’ at ng kanilang experties sa ating bansa. Unang unang dapat gawin ay ang pagtatanggal sa Bossi Fini law at magkaroon ng kapasidad upang gawin ito”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PPCR through the years…

Mga Pilipino sa Aniene – Roma, inilikas