in

Paskong Pinoy sa Mundo

Ang Pasko sa Pilipinas, nag-iisang bansang may malawak na paniniwala sa Simbahang Katoliko sa Asya, at nangunguna sa pinakamalaking pista ng taon. Ang Pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na kung saan ang mga awit pangpasko ay naririnig mula Setyembre hanggang sa sumunod na taon sa araw ng Pista ng Epifanio (Araw ng pagdating ng Tatlong Mago/Hari).

Hindi nalalayo ang pagdiriwang ng milyun-milyong mga ofws sa bawat sulok ng mundo. Sa kanilang natatanging paraan, tuloy na tuloy ang pagsapit ng Paskong Pinoy sa buong mundo.

Misa de Gallo (Disyembre 16-24)

Bilang kinaugalian, ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay nagsisimula sa siyam na araw na misa tuwing alas-4 ng madaling araw mula Disyembre 16. Kilala bilang Misa de Gallo(o "Misa ng mga Tandang" sa Kastila) at ang misa ay kilala sa wikang Tagalog bilang Simbang Gabiat tinawag itong simbang gabi dahil sa nagsisimula at natatapos ang misa bago sumikat ang araw. Ito ang pinakamahalagang tradisyon ng mga Pilipino.

Itong siyam na misa ay kinikilalang Nobena ng mga Katolikoat ng mga Aglipayan. Ito ay tumutukoy sa kinasanayang siyam na araw na paniniwala para makakuha ng magandang biyaya.ang siyam na araw ay nangangahulugan ng siyam na buwan ng pagdadalang tao ng Birhen Maria.

Nakasanayan o nakaugalian na rin ng mga pilipino na pagkatapos ng misa, ang mga nagsisimba ay kumakain na ng agahan sa bahay o bumibili sa Plaza o bangketa ng bibingka (gawa sa harina, kanin, at may itlog sa ibabaw na niluluto gamit ang uling sa lutuang gawa sa palayok), puto bumbong(malagkit na kanin na pinasok sa kawayan na may asukal at kinayod na niyog), salabat (mainit na tsaang gawa sa luya) at inuming tsokolate(tradisyonal na panimpla).

BISPERAS NG PASKO

Pagsapit ng alas-10 ng gabi ng bisperas ng Pasko, nagsisimba ang lahat para sa huling Simbang Gabi bilang pasasalamat sa biyayang binigay sa nagdaang taon at para ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus. Ang mga Pilipino, tulad ng ibang nagdidiwang ng Pasko sa buong mundo, ay nagsasalo pagsapit ng alas-12ng hating-gabi sa tradisyonal na Noche Buena. Ang tipikal na handang Pilipino ay ang queso de bola (English: edam cheese), inuming tsokolate, hamon de bola (English: Christmas ham), at ibang handa na impluwensya ng Kanluran (Spaghetti, Macaroni) at Silangan (Lumpiang Shanghai, Pancit). Pagkatapos ng kainan ay binubuksan na ang mga regalo.

Sa ilang probinsya sa Pilipinas ay may prosisyon bago ang huling Simbang Gabi. Sinasadula nila ang panunuluyan ni Jose at Birheng Maria hanggang makita ang sabsaban.

ARAW NG PASKO

Ang araw ng Pasko ay tradisyonal na gawaing pampamilya. Ang misa sa umaga pagkatapos ng huling Simbang Gabi ay tinatawag na Misa de Aguinaldo.

Pagkatapos ng misa, ang mga pamilyang Pilipino ay bumibisita sa kanilang mga kamag-anak, ang iba sa mga ninong at ninang. Sinisimulan ito sa pagmamano bilang respeto sabay ng pag-abot ng regalo na tinatawag na Agiunaldo na kadalasan ay perang bagong imprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay nagsasalo ang buong angkan sa tradisyonal na tanghalian. Sa hapon, ang ibang pamilya ay umuuwi na o pumunta sa pampublikong lugar tulad ng parke, mall, sinehan at tabing dagat. Mula 1975, naging tradisyon na ng mga sinehan sa Maynila, at ngayon sa buong Pilipinas, na hindi magpalabas ng pelikulang banyaga at ito ay tinatawag na Metro Manila Film Festival. Isa ring kakaibang tradisyon ay nagpapaputok ng rebentador, kwites at iba pa sa araw ng Pasko.

DEKORASYON

Karaniwang palamuti ng bawat Pilipinong mag-anak ang Parol at Belen. Sa panahon ng makabagong kultura, sinasabayan na ito ng Christmas Tree at mga palamuting Christmas Lights. Nilalagyan na rin ng imahe ni Santa Claus at ang reindeer ang bakuran ng bahay.

 

 

 

CAROLLING

Tuwing gabi mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 24, naging tradisyon na ng mga kabataang Pilipino mag caroling sa mga bahay. Ang kadalasang pantugtog ay tamborinang gawa sa tansan ng softdrink at aluminum o stainless na wire, drum mula sa lata ng gatas ng sanggol. (Source: Wikipedia)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Mga nasawi dahil sa bagyong Pablo, umakyat sa 955

Paggamit ng autocertificazione ng mga imigrante, ipinagpaliban