Ang pinuno ng PDL ay bukas sa reporma, ngunit binigyang-diin: "wala sa aming programa at ang Lega Nord ay maaaring hindi sumang-ayon" At kahit ang kanyang partido, gayunpaman, hanggang sa ngayon ay palaging hindi ang sagot ukol dito.
Roma – Pebrero 6, 2013 – Isang hakbang pasulong at madaliang hakbang paatras. Ito ang tila sayaw sa tugtog ng reproma sa pagkamamamayan para sa ikalawang henerasyon ni Silvio Berlusconi, ang Pdl leader,.
Ang dating prime minister ay nagsalita kaninang umaga sa radio transmission Nove in Punto ng Radio 24 kung saan tinanong ng host kung ano ang masasabi ukol sa “ius soli” o ang pagbibigay ng citizenship sa mga dayuhang ipinanganak sa Italya”.
"Hindi ito kasama sa aming programa," ayon kay Berlusconi. "Personally, sa tingin ko dapat na mayroong mga kondisyon, na ang mga magulang ay dapat na naninirahan dito sa Italya, mayroong trabaho na maituturing na isang magandang bagay para sa ating bansa at para sa ating ekonomiya. Ibig kong sabihin, nakikita ko ang higit sa dalawang milyong mga dayuhang naninirahan at nagta-trabaho sa ating bansa at ang kanilang ibinibigay na kontribusyon sa kaban ng ating bayan”.
"Walang ius soli para sa inyo?", pagtatanong ng host . "Hindi, maaaring pag-usapan. Isang bagay na maaaring palalimin, " sagot ni Berlusconi. Ngunit idinagdag agad: "Ako ay medyo nag-aatubili upang ihayag ang aking mga opinyon dahil maaaring ito ay wala sa aming programa na marahil ay gawing laban sa aming mga kaalyado. At dahil dito ay kailangang maging maingat sa pagboto "
Sa programa ng Pdl, na kapareho ng sa Lega Nord, sa katunayan, ay hindi binanggit ang ukol sa reporma ng pagkamamamayan. Bukod dito, ang tema ng imigrasyon ay nabanggit lamang sa kapitolo ukol sa seguridad, kung saan binanggit ang paglaban sa iligal na imigrasyon at mga kasunduan para sa pagpapabalik sa sariling bayan ng mga dayuhang bilanggo.
Ang mga posisyon ng Lega Nord ukol sa reporma, ang pangunahing kapanig ng PDL sa nalalapit na eleksyon ay malinaw: hindi kailangan, hindi dapat pag-usapan. Ito ay dahil (tulad ng palaging binanbanggit ng lega Nord) ang pagbibigay ng citizenship sa mga anak ng mga imigrante ay ang magiging dahilan upang hindi mapatalsik ang kanilang mga magulang.
Bilang katibayan, maging ang Pdl ay palaging sinasabing hindi dapat palitan ang batas ukol sa citizenship. Ang huling pagtatangka sa reporma para sa ikalawang henerasyon, na inakyat sa Kamera noong nakaraang taon, at na-pending sa Commission, at ipinaliwanag ni Isabella Bertolini ang posisyon ng Pdl. Kakulangan sa kasunduan ukol sa pagkilala ng ius soli upang maging ganap na mamamayang Italyano”.
Sa madaling salita, ang ius soli ay maaaring pag-usapan para kay Berlusconi o maaaring hindi rin. At ang mga salita ay walang halaga, sa pagitan ng saliota at gawa….