in

Consiglieri Aggiunti, kumprimado sa Roma Capitale

Inaprubahan kamakailan ang mga pagbabago sa Statute ng Campidoglio, kabilang ang patuloy na pagkakaroon ng mga kinatawan ng mga imigrante na namumuhay, nagta-trabaho at nag-aaral sa eternal city, ang Rome. Apat o lima ang maaaring mahalal sa katapusan ng taong 2013.

Roma – Marso 12, 2013 – Roma Capitale binago ang ‘Patakaran’, mga Consiglieri Aggiunti, magpapatuloy. Kahit sa susunod na konseho ng lungsod, pati na rin sa mga Munisipyo, kasamang uupo at manunungkulan ang mga kinatawan ng mga imigrante na namumuhay, nagta-trabaho o nag-aaral sa Roma o ang mga tinatawag na Consiglieri Aggiunti. Nananatiling walang karapatang bumoto, dahil ang pagbabagong ito ay nangangailangan ng isang pambansang batas, ngunit may pagkakataong maging bahagi ng lahat ng mga paksa sa agenda at magsumite ng mga panukalang resolusyon, sa konseho at sa mga komite.

 

Ang bagong Statute ng kabisera ng Roma o ng Roma Capitale ay inaprubahan noong nakaraang linggo. Bukod sa maraming bagay na tinataglay nito, ayon sa isang tala ng Kapitolyo, ay nagsasaad ang “pagbabawas sa mga city councilors mula sa 60 hanggang sa 48, ang bilang ng mga munisipyo mula sa 19 hanggang sa 15, ang bagong depinisyon ng mga refunds, ang pagkakaroon ng mga kababaihang konsehal at ang pantay na bilang ng mga kababaihan o ang tinatawag na ‘quota rosa’ sa Giunta, isang bagong madaliang prosedura ng anti-obstructionism sa aprubasyon ng mga pangunahing pagbabago. Hindi naman kabilang ang mga tinatawag na Consiglieri Aggiunti sa mga cost cutting ng Kapitolyo. Mananatiling apat o lima (upang matiyak ang pagkakaroon ng parehong kasarian) hal: kung ang unang apat na mahahalal ay pawang kalalakihan, ay magdadagdag ng isang pwesto para sa isang kinatawang babae.

 

Ang halalan, ayon pa sa Artikulo 20 ng Statute, ay gaganapin "para sa bawat termino, matapos ang halalan sa pagbabago ng mga organo ng Roma Capitale at samakatwid, bago matapos ang taon". Ang mga nahalal ay nanatiling nasa katungkulan "hanggang sa katapusan ng termino ng assembly ng Kapitolyo na kanilang kinabibilangan".Samakatwid, bago matapos ang taong kasalukuyan, pagkatapos ng local election sa May 26 at 27, maging ang mga imigrante ay boboto ng kanilang kinatawan. Maaaring bumoto ang mga imigrante na may sapat na gulang o 18 anyos, naninirahan at residente sa lungsod dahil sa pag-aaral o dahil sa trabaho.

Ang mga imigrante ay pipili ng kahalili nina Madisson Bladimir Godoy Sanchez, Victor Emeka Okeadu, Romulo Sabio Salvador at Tetyana Kuzyk, ang mga kasalukuyang Consiglieri Aggiunti. Nahalal noong 2006 at nakatakda sana ang kanilang termino noong 2008 ngunit pinanatiling naka-pwesto noong 2011. Ito ay dahil sa isang panukala kung saan nasasaad ang pagiging 'hindi normal' na mga kosehal na imigrante at nararapat na 5 taon ang kanilang panunungkulan. Taong 2011, sa halip, isang bagong resolusyon para sa panibagong extension buhat sa Konseho ang nagsaad ng kanilang patuloy na panunungkulan hanggang sa susunod (Mayo 2013) na halalang lokal.

 

"Napakahalagang ang bagong Statute ng Roma Capitale ay kinumpirma muli ang pagkakaroon ng mga Consiglieri Aggiunti", ayon kay Romulo Salvador, kung tawagin ay Little -Mayor ng Filipino community. "Sa paghihintay ng isang ganap na karapatan, ang karapatang bumoto, ang pagkakaroon ng kinatawan ay ang pinakamahusay na paraan ng representasyon na mayroon tayong mga imigrante, na hindi natin maaaring palampasin."

 

Matatandaang si Romulo Salvador, sa halalan noong 2006 ay ang nakatanggap ng pinaka maraming boto, higit sa 2,000 ang umaming hindi pa alam kung muling tatakbo sa susunod na eleksyon; "Nais ko ring marinig ang nais ng aking komunidad", ayon dito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Colf, maaaring bang magkaroon ng paternity leave?

Itim na usok sa unang araw ng Conclave