in

Parma: Mga imigrante ibinalik ang susi sa bagong alkalde ng M5S

Alkalde: “May panahon at paraan para sa lahat, ang suliranin ay dapat harapin”

Parma, Marso 18, 2013 – Ang tanggapan ng Tavolo per l’immigrazione ng Comune di Parma ay nagsara na at ibinalik na ang susi sa alkalde ng M5S Federico Pizzarotti.

Ang mainit na desisyon buhat sa bagong administrasyon o giunta Pizzarotti ay napabalita matapos ang pagsusumikap na intindihin ang magiging sitwasyon ng tanggapang ipinaglaban mismo ng mga imigrante upang maging point of reference ng mga residente na imigrante ng lungsod.

Sa isang pagpupulong kasama ang Visealkalde – paliwanag ng mga kinatawan ng Advisory board o Consulta – ay walang anumang feed-back. “Pinilit naming gawin ang abot sa aming makakaya sa mga nagdaang taon. Ang desisyon ngayon ay opisyal na isara ang tanggapan at ibalik ang susi sa municipal administrator”.

Natuklasan rin ng Tavolo immigrazione na ang sign ng kanilang tanggapan sa Via Melloni at tinanggal kahit hindi pa alam hanggang sa kasalukuyan kung sino ang nagtanggal nito. Isang bagay na maaaring nagpabagsak sa pag-asa ng mga imigrante na magkaroon ng pagkakataong makipagkasundo sa bagong administrasyon.

Ang pagiging bunga ng naunang administrasyon ay marahil ang dahilan ng M5S: “Malinaw na ang Tavolo immigrazione ay bunga ng naunang administrasyon – mababasa sa sulat ng bagong administarsyon sa Tavolo immigrazione -. Kami ay nahalal at alam naming kami ay maaaring hindi maintindihan. Alam naming ang panganib na maaaring idulot ng aming mga desisyon tulad nito. Ngunit tama na ito ay aming subukan at simulan ang ibang pamamaraan”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Puting Usok Hatid Ay Pastol Ng Pag-Asa

Laura Boldrini – tagapagtanggol ng mga refugees – ang bagong Presidente ng Kamara