in

Laura Boldrini – tagapagtanggol ng mga refugees – ang bagong Presidente ng Kamara

Ang dating spokesman ng UNHCR ang nakakuha ng ikatlong posisyon ng Estado. Mula sa pakikipaglaban sa mga ‘pagtanggi’ sa mga migrante hanggang sa pakikipagtunggali para sa isang bagong batas sa imigrasyon at reporma ng pagkamamamayan. "Para sa isang mas pantay, mas tumatanggap at mas kontemporanyong Italya".

Roma – Marso 18, 2013 – Sa pinakamataas na ‘trono’ sa Montecitorio ay uupo ang isang “tagapagtanggol ” ng mga refugees (o ang “popoli in fuga – mga taong tumatakas”, tulad ng kanyang bansag sa kanila) at ng mga migrante.

Si Laura Boldrini ay ipinanganak noong 1961 sa Macerata, Italya. Isang dalubhasa sa batas at isang mamamahayag at nagsimulang magtrabaho sa UN noong 1989, matapos ang paglilingkod sa Fao (Food and Agriculture Organization) , at sa World Food Program, at samakatwid bilang High Commissioner ng United Nations para sa mga refugee (UNHCR), kung saan siya ay naging spokesman sa Italya sa taong 1998-2012.

Sa huling nabanggit ay nanguna upang matiyak ang pagtanggap at rispeto sa mga pangunahing a karapatan ng sinumang tumatakas mula sa digmaan at pag-uusig, na kadalasan ay binibigyang-diin ang pagkakaiba ng mga taong ito na tinatawag na "migranti economici”. At kadalasang humihingi sa Italya sa pagpapatibay ng angkop na batas ukol sa asylum rights.

Tinanggap ni Boldrini ang mabigat na posisyon laban sa pamahalaan ni Berlusconi, partikular ang ukol sa pagtanggi ng mga migrante buhat sa Libia na nais ng ex-Minister of Interior na si Roberto Maroni na ipakulong ang daan-daang mga katao na nagnanais lamang na maligtasan sa bansang Italya. Isang paglabag sa karapatang pantao, tulad ng kinumpirma ng Strasbourg Court.

Ilang buwan ang nakalipas matapos tanggapin ang nominasyon sa House ng Sinistra, Ecologia, Libertà, ay sinabi ni Boldrini na “nais tumugon sa isang moral at civic obligations”. At itinuturo ang “Italya na nagbabaglik sa mga refugees sa kalagitnaan ng dagat, ang Italya na pinangungunahan ng mga pananamantala at ng pag-alipin sa mga migrante, ng mga racist chants sa mga stadium…”.  

Sa panahon ng pangangampanya sa nakaraang halalan, ay hiniling na “ibalik sa Parliyamento ang tema ng migrasyon”. At ilang beses na sinabing nangangailangan ng isang masusing pagsususri ng batas sa imigrasyon at reporma sa batas ng citizenship” upang pahintulutan ang pagtanggap sa mga ipinanganak, namumuhay, nag-aaral at nagta-trabaho sa Italya”.

 “Tinanggap ko ang posisyong ito matapos ang maraming taong ng pakikipagtunggali at pagtatanggol sa karapatan ng mga itinuturing na mababa, sa Italya tulad sa maraming bansa sa mundo. Isang karanasang aking magiging gabay at ilalagay sa atensyon ng Kamara”, ayon pa kay Boldrini sa kanyang panunumpa. Binanggit rin ang mga nasawi sa Mediterranean. Ang dagat na higit na magiging tulay para marating ang ibang lugar, ibang kultura at ibang relihiyon”.

"Ang layunin – ayon pa kay Laura Boldrini nang nagdesisyong maging bahagi ng politika – ay ang maging bahagi sa isang mas pantay, mas tumatanggap at mas kontemporanyang sosyedad, isang dimensyon na hindi maaaring itanggi ng Italya”. Isang bahagi ng kanyang buhay na magbibigay ng higit na kapangyarihan bilang Presidente ng Kamara.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Parma: Mga imigrante ibinalik ang susi sa bagong alkalde ng M5S

New Italians sa Parliament