Ang Chicken Curry Recipe na ito ay isang Filipino version ng Chicken Curry. Ngunit tulad ng anumang recipe ng Chicken Curry, ito ay mayaman sa lasa at aroma na tiyak na maiibigan ng lahat.
Paano nagsimula ang Chicken Curry Recipe? Ito ay maaaring matagpuan maraming taon na ang nakalipas. Ang Pilipinas ay itinuturing bilang “melting pot of Asia”. Iba’t ibang lahi ang tumatawag sa Pilipinas bilang kanilang tahanan. Bitbit nila, ng mga taong ito na pawang mga migrante, mangangalakal, at mga colonizers ay nagdala ng kanilang kultura, tradisyon, at pagkain. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pampalasa tulad ng curry ay naging bahagi ng Philippine Cuisine. Mayroong ding ilang mga katibayan ng Indian trade sa mga unang taon ng Pilipinas. Maaring ang mga Indian traders (at pati na rin mga settlers) ay ipinakilala ang lutong ito sa mga Pilipino at tinustusan ng mga pampalasa o spices upang panatilihing ang negosyo ng pangangalakal sa pagitan ng mga bansa.
Isang Filipino Recipe na may pagkakahawig sa Chicken Curry ay ang “Ginataang Manok” o manok na niluto sa gata. Ang tanging pagkakaiba ay ang Ginataang Manok ay hindi ginagamitan ng anumang pampalasa o spices.
Ang recipe ng Chicken Curry na ito ay tiyak na magugstuhan ng lahat dahil madaling ihanda. Kahit na ginamitan ng commercialized curry powder. Matatandaang ang tradisyonal na Chicken Curry ay gawa sa pamamagitan ng pagsasama ng iba’t-ibang pampalasa upang maging Curry.
Sangkap
- 1 kilong manok na hinati-hati
- 1 malaking patatas na hiniwa
- 1 kutsaritang pinong bawang
- 3 tangkay na celery, hiniwa ng 2 inches ang haba
- 1 sibuyas na hiniwa
- 1 maliita na siling pula, hiniwa ng pakudrado
- 2 kutsaritang patis
- 1 tasang gata ng niyog
- 2 kutsaritang curry powder
- luya, katamtaman ang laki, hiniwa ng pahaba
- 1 tasang tubig
Cooking Procedure
1. Pirituhin ang patatas at itabi
2. Pirituhin ang manok at itabi.
3. Sa pinagpirituhan ng manok, ay igisa ang bawang, sibuyas at luya.
4. Idagdag ang manok, patis at curry powder.
5. Ilagay ang 1 tasang tubig at pakuluin hanggang lumambot ang manok.
6. Idagdag ang siling pula, celery at piniritong patatas at pakuluin ng 5 minuto.
7. Idagdag ang gata ng niyog at haluing mabuti. Pakuluin ng 5 minuto.