Maynila, Mayo 14, 2013 – Opisyal nang idineklara ng city board of canvassers bilang nanalong alkalde ng Maynila sa 2013 elections ang aktor at dating Pangulong Joseph Estrada ngayong araw.
May kabuuang 343, 993 boto ang nakuha ng dating Pangulo at natalo ang re-electionist na si Alfredo Lim na mayroong 308, 544 boto.
Nanalo rin ang running mate ni Estrada na si re-electionist Vice Mayor Isko Moreno laban kay Lou Veloso na running mate naman ni Lim.
Tumanggap si Moreno ng kabuuang 329, 596 boto habang may 196, 967 naman si Veloso.
Napigil lamang ang proklamasyon kay Estrada dahil ayon kay Lim hindi pa diumano 100 porsyentong naka-canvass ang lahat ng mga boto.
Ito ang ikalawang pagkakataon ng paghaharap ni Estrada si Lim sa halalan.
Unang nagharap noong 1998 sa presidential elections ang dalawa kung saan nanalo si Estrada ngunit taong 2000, kinuha nito si Lim para maging secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Taong 2001, sumalang sa impeachment trial ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas at naging dahilan ng pagsiklab ng Edsa 2 kung saan napatalsik sa posisyon si Estrada.
Samantala, hinatulan ng Sandiganbayan si Estrada na guilty sa kasong plunder sa ilalim naman ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Taong 2007, nang bigyan ni Arroyo ng executive clemency si Estrada.