Naglaan ang European Union ng sapat na pondo para sa mga proyektong nakalaan sa mga imigrante. Sa lalong madaling panahon ay ilalabas ang anunsyo ng Ministry of Interior.
Roma, Mayo 17, 2013 – Mula sa Italian language course hanggang sa oryentasyon sa trabaho, para sa mga mag-aaral o ang intercultural mediation. Ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga proyekto kung saan inilalaan ang halagang 36.956.522 euros para sa Italya ng European Commission para sa 2013 Fund for Integration for third–countrynationals (Fei).
Inaprubahan ng Brussels noong nakaraang May 3 ang yearly project ng Fei para sa Italya, na pinamamahalaan ng Dep. of Civil Liberties and Immigration ng Ministry of Interior. Ang nabanggit na pondo ay gagamitin sa pagpapatuloy ng mga sumusunod:
1 pag-aaral ng wikang italyano at sibika
2 oryentasyon sa trabaho at tulong sa mga nagtatrabaho
3 integrasyon sa eskwelahan at social inclusion ng mga kabataang dayuhan
4 integrasyon at pamilya
5 impormasyon at komunikasyon
6 social, linguistic, intercultural mediation
7 intercultural dialogue at pagpapalakas sa mga asosasyon ng mga dayuhan
8 pagsusuri sa politika at mga pagkilos ukol sa integrasyon
9 capacity building
10 exchange of experiences at magandang halimbawa
Sa kasalukuyan, tiyak ang pagkakaroon ng pondo, hinihintay na lamang ang paglabas ng anunsyo ng presentasyon ng proyekto na inaasahan sa susunod na linggo.