in

UEFA laban sa racism

"Isasara partially ang stadium sa unang paglabag, isasarado ng buo sa ikalawa, bukod sa multa mula sa 50,000”. Players at managers, walang laro sa sampung games. Cirillo (Oscad): “Mga hindi maiiwasang parusa, kung may disriminasyon o rasismo, aatras tayo sa Series Z”. 

Rome – Dumating na ang tamang panahon para parusahan ng UEFA ang racism sa mga stadium. Ang Executive Committee ng organisasyon, na bumubuo sa Football European Association, ay inaprubahan ang mas mahigpit na mga panukala, na nilalaman ng bagong regulasyon at simulang ipinatutupad mula Hunyo 1.

Sa kaso ng pag-uugaling may diskriminasyon mula sa mga nanonood, paliwanang sa isang note ng UEFA, ay isasara partially ang stadium sa unang paglabag at isasara naman ng buo sa ikalawa bukod sa multa mula sa 50.000 euros”. Nanganganib din maging ang mga players at managers na masuspinde hanggang 10 games”.

Ang pinakamataas na kinatawan ng European Football ay nagsalita ukol sa "mas mabibigat na parusa upang labanan ang anumang uri ng racism sa oras ng laro, alinsunod  sa patakaran ng UEFA na walang pagngungunsinti"

"Ang mga parusa sa kasamaang-palad ay hindi maiiwasan: ang paglaban sa racism ay  sa loob at labas ng court, at may parehong strategy. Ito ay para sa dignidad ng tao. Ang mga naging pangyayari sa laro ay kailangang pagnilayang mabuti”, ayon kay Francesco Cirillo, Police Deputy Chief at President ng Osservatorio per la sicurezza contro atti discriminatori.

"Sa kosyensya ng mga manlalaro at lahat ng mga nagmamahal sa demokrasya, ay pinaniniwalaan ang isang bagay: ang rasimo ay maghahatid sa series Z, at walang dahilan upang manatili ito”, Ang Italya-paalala pa ni Cirillo – ay isang bansang lumalaban para sa mga pangunahing karapatan ng tao at sa ating mga kabataan ay kailangan ituro ang mga mahahalagang bagay na ito”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bal David at Marlou Aquino, naglaro ng basketball sa Roma

ACROSS ASIA FILM FESTIVAL 2013: FOCUS FILIPINO NEW WAVE 15-18 May 2013, Cagliari