in

Berlusconi, 7 taong pagkakakulong at habang buhay na political ban

Roma – June 25, 2013 – Ang 76-ayos na dating Italian Prime Minister na si Silvio Berlusconi ay hinatulan ng 7 taong pagkakakulong at habang buhay na paglayo sa buhay pulitika.

Ito ay matapos mapatunay sa higit sa dalawang taong paglilitis ang pakikipagtalik kapalit ang bayad sa isang menor de edad na prostitute,  isang Moroccan na si Karima El Mahroug na kilala ring "Ruby the Heart Stealer" noong 2010 kung kailan 17-anyos pa lang ito.

Guilty rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan nang gamitin nito ang impluwensya para mapalabas ng kulungan si El Mahroug na nakulong dahil sa pagnanakaw.

Ibinaba ang hatol ng tatlong babaeng hukom sa korte sa Milan noong nakaraang Lunes.

Mananatiling malaya si Berlusconi dahil sa apela nito kontra sa desisyon ng korte sa Milan at sinabing "I intend to resist this persecution because I am absolutely innocent."

Samantala, higit sa 30 mga testigo ang naghayag ng ebidensiya bilang pagtatanggol kay Silvio Berlusconi na sumailalim sa kontrobersyal na sex trial ay maaaring kasuhan ng false testimony matapos ibaba ang hatol.

Kabilang sa mga ito ang marami mga starlets, mga models at mga escort na pinaghihinalaang dumalo sa "Bunga Bunga" o evening party sa mansyon nito malapit sa Milan.

Naging kahina-hinala ang kanilang pagsisinungaling matapos ang panunumpa at sabihing mga malilinis na hapunan diumano ang kanilang dinaluhan sa mansyon kung saan masasarap na pagkain at ang masayang party lamang ang mga ito.

Ang kanilang mga paglalarawan, na napakinggan sa hukuman higit sa dalawang taon ay madalas namang pare-pareho at lumabas sa paglilitis na ang 76- anyos na bilyunaryo ay nagbibigay rin ng regular monthly payments sa ilang mga kababaihan bilang "regalo" na nagkakahalaga ng 2,500 euros kada buwan. Bukod dito ay lumabas din ang libreng pagpapa-upa nito sa kanyang mga apartment sa Milan na kanyang ipinundar bilang businessman bago pa man pumasok sa pulitika noong taong 90s.

Ang mga naganap na bayaran at ang libreng pabahay ay naging kahina-hinala bilang mga katibayan na ibinigay ng mga testigong pabor kay Berlusconi, dahilan upang hatulan ng 7 taong pagkakabilanggo at habang buhay na political ban.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DON’T BE AFRAID OF LOSING, IT’S PART OF WINNING

Delrio, Kyenge at Guerra – Sa Sport, Politics for the Youth at Equal Opportunities