Hinati pagkatapos ng pagbibitiw. Ang Sport kay Minister of Regional Affairs, ang Politics for the Youth kay Minister of Integration at ang Equal Opportunities (at marahil pati ang UNAR) kay Vice Minister of Labor.
Rome – Hunyo 26, 2013 – Kaninang umaga si Prime Minister Enrico Letta, sa Council of Ministries ay itinalaga sa ilang mga Ministro ang pinaghiwa-hiwalay na Ministry of Equal Opportunities, Sport and Politics for the Youth, kaugnay ng pagbibitiw ni Minister Josefa Idem.
Ang itinalaga para sa Sport ay si Minister of Regional Affairs Graziano Delrio, sa tulong ni Undersecretary of Public Administration Michaela Biancofiore sa paraang ‘impormal’ na unang itinalaga bilang Undersecretary of Equal Opportunities, ngunit matapos ang kontrobersiya ukol sa kanyang posisyon bilang homophobic ay inilipat sa P.A.
Maging si Cècile Kyenge ay nadagdagan rin ang posisyon. Ang Minister of integration ay ang tatanggap ng Politics for the Youth, isang desisyon na nauugnay sa pangako ni Kyenge sa ikalawang henerasyon at dahil sa ang politika ng integrasyon ay magaganap buhat sa mga kabataan. Sa kanya rin marahil ibibigay ang National Civil Service na maaaring maging magandang pagkakataon upang buksan ito sa mga kabataang ipinanganak sa Italya?
Ang Equal Opportunities ay inatas kay Viceminister of Labor Maria Cecilia Guerra, na sa Via Fornovo ay nakatuon na rin sa imigrasyon. Na maaaring si Guerra na rin ang humawak sa UNAR na sa mga huling taon ay pinalawak at pinalalim ang aksyon maging laban sa diskriminasyon batay sa sekswal na oryentasyon at kasarian.