Roma – Muling ginanap ng Sentro Pilipino Chaplaincy ang taunang Sportsfest noong nakaraang June 23 sa Basilica of St. Peter and Paul grounds sa Eur.
Dinaluhan ng mga kabataang buhat sa 30 communities ng 4 na Clusters ang maghapong sportsfest. Basketball, volleyball at badminton ang mga larong pinaglaban-labanan ng mga dumalo.
Nag-champion ang Sta. Pudenziana at Santa Maria Goretti Communities sa volleyball. Si Ednalyn Vatikos ang itinanghal na Most Valuable Player. Sa Basketball naman ay nag-champion ang San Francesco de Paola Community at itinanghal namang MVP si Joel Aquino. Samantala sa Badminton – Singles ay nanalo si Archie Capati ng Sta. Pudenziana community samantala sa Doubles naman ay sina Mr. & Mrs. Ed Nicdao buhat pa rin sa Sta. Pudenziana.
Napili ang ‘Tag og War’ bilang Palaro ng lahi at nagwagi ang Our Lady of Lourdes Community.
Sa bandang hapon ay ginanap naman ang isang konsyerto ng mga kabataan. Kapuna-puna ang mahalagang partesipasyon ng bandang Intensity 7 na walang komunidad na kinabibilangan. Naging bahagi rin ng programa si Raffaela Landicho, ang batang nanalo sa Kiddie Contest ng Deusfratres kamakailan, dance number buhat sa ORMIN, si Tahjack Tikaz, ang tagapag-taguyod ng Pinoy rap sa Roma. Nagkaroon din ng partesipasyon ang ilang kabataan na wala sa programa tulad ni Melisse sa kahilingan na rin ng magagaling na emcees.
Lubos ang naging pasasalamat ng bumubuo ng Sentro Pilipino Chaplaincy sa mga tumulong tulad nina Ambassador Mercedes Tuason, Sta. Pudenziana, PIDA, mga Konsehal at mga indibidwal gayun din ang lahat ng dumalong communities at mga kabataang nakiisa upang maisakatuparan ang sportsfest.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]