Labing-isang Filipino businessmen ang pumasok sa Forbes’ 2013 list of world billionaires.
Maynila, Agosto 6, 2013 – Ayon sa Forbes’ magazine na inilathala ilang buwan na ang nakakalipas, 11 Pinoy businessman ang pumasok sa Forbes’ 2013 list of world billionaires. Anim sa labing-isang nabanggit ay kabilang na rin sa listahan noong nakaraang taon.
May kabuuang $37.85 billion ang yaman ng 11 at kabilang sa 386 sa mga pinakamayaman sa Asya na mayroong net wealth na higit sa $1 billion.
Ayon pa dito, mula sa 1,226 noong nakaraang taon, ay tumaas sa 1,426 sa taong 2013 ang bilang ng mga bilyunaryo sa buong mundo at tinatayang aabot sa higit US$5.4 trillion ang yaman ng mga ito buhat sa $4.6 trillion noong nakaraang taon.
Lima sa anim na Pinoy na kabilang sa listahan ng mga bilyunaryo noong nakaraang taon ay lalong tumaas ang posisyon dahil sa pagtaas pa lalo ng kanilang mga yaman.
Nananatiling si Henry Sy Sr ang pinakamayamang Pinoy at tinatayang mayroong $13.2 billion assets. Tumaas sa numero 68 mula sa numero 116.
Pumapangalawa si Lucio Tan at tinatayang mayroong $5 billion assets at tumaas sa numero 248 mula sa 314.
Pinalitan naman ni port and casino businessman Enrique Razon si Andrew Tan sa ikatlong pwesto.
Tumaas rin ang asset ni Roberto Ongpin mula sa $1 billion sa $1.2 billion.
Ngunit ang mga bagong itinuturing na bilyunaryo ay tinatayang higit na malaki ang mga assets.
Ang mga Pilipino na kabilang sa 210 newcomers ay buhat sa lahing Chinese ang karamihan. Sila ay sina: David Consunji (construction, power and mining conglomerate DMCI Holdings), George Ty (GT Capital and Metrobank), Lucio and Susan Co (retailer Puregold), Robert Coyuito (power transmission firm National Grid, insurance firms Prudential Guarantee and First Guarantee Assurance), Tony Tan Caktiong (foods giant Jollibee) at Andrew Gotianun (real estate player Filinvest).
Samantala, si Eduardo Danding Cojuangco na kabilang sa 6 noong 2012 ay nawala sa listahan ngayong taon.
Nananatiling si Carlos Slim (telecommunication ng Mexico) ang pinakamayaman sa buong mundo at tinatayang mayroong $73 billion assets. Sinundan ni Bill Gates ($67 billion), ang Spanish retailer ng Zara na si Amancio Ortega ang sumunod ($57 billion) at pinatalsik si Warren Buffet ($53.5 billion) na nasa ikatlong posisyon mula 2000.
Si Li Ka-shing naman ng Hong Kong ang pinakamayaman sa Asya at kabilang sa World’s top 20 richest.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]