Dalawampung-pitong artikulo na nakatutok lamang sa mga karapatan ng mga colf. Ito ay ipinagtibay din ng bansang Italya at sa ngayon ay sinimulang ipatupad. Isa sa mga halimbawa, ang protektahan ang mga working mothers.
Rome – Setyembre 11, 2013 – Colf, caregivers at mga babysitters, may karapatan sa disenteng nagtrabaho.
Ito ang malinaw na mensahe, kung isasa-alang-alang na sa maraming bansa ay itinuturing na tila mga alipin pa rin at nakakulong sa loob ng mga bahay, 24 na oras sa maghapon, 7 araw sa isang linggo, laman ang kapalit, biktima ng pang-aabuso at pananakot ng mga employer.
At kahit ang ilang bansa tulad ng Italya, kung saan pinangangalagaan ng batas, gayunpaman, ay hindi pa rin nagtataglay ng lahat ng mga karapatan tulad ng ilang mga manggagawa .
At upang labanan ang mga sitwasyong nabanggit, ay ipinagtibay ang International Labour Organization Convention (ILO 189), at opisyal na ipinatutupad simula noong nakaraang Sept. 5. “Isang mahalagang balita sa higit na 50 milyong nasa service sector sa buong mundo”.
“Inaasahan ko na ito ay magiging isang senyales sa lahat ng mga kasaping bansa ng ILO at makikita natin sa lalong madaling panahon ang pagsusumikap ng mga bansang protektahan ang karapatan ng mga domestic workers”, ayon kay Manuela Tomei, ILO Working Conditions and Equality Department Director.
Ang teksto ng Convention ay binubuo ng 27 artikulo. Binigyang-diin na kung sa isang Italian ay maaaring tila base ang konsepto , gaya ng pagbabawal ng pagta-trabaho ng sapilitan o ang pagta-trabaho ng minor de edad, ang kalayaan ng asosasyon, ang NO to violence at diskriminasyon o ang karapatan sa pahinga, ngunit tumutukoy din sa mga pangkasalukuyang tema ukol sa paggawa o trabaho tulad ng pagkakaroon ng written contract.
Sa kasalukuyan, 8 kasapi ang nag-ratified ng Ilo Convention. Ito ay ang Bolivia, Mauritius, Nicaragua, Paraguay, Pilipinas, South Africa, Uruguay at ang Italya, na natatanging bansa ng EU na gumawa ng makabuluhang hakbang na ito noong nakaraang Enero. Bilang pagtupad sa ipinangako, ang bansang Italya ay kailangang igalang ito, sa pamamagitan ng pagpapatupad sa 27 artikulo ng naturang batas.
Ang magiging epekto ay maaaring higit sa isa, halimbawa, para sa pangangalaga ng mga magiging ina. Para sa lahat ng mga manggagawa, sa Italya , ay ipinagbabawal ang pagpaalis sa trabaho hanggang sa isang taon matapos ang panganganak. Isang panuntunan na ipinatutupad hindi lamang sa mga domestic workers, bagkus, sa renewal ng National Agreement ng mga unyon tulad ng Cgil, Cisl at Uil ay napagtagumpayan ng mga nabanggit na unyon, na para sa mga new mothers ay doblehin ang abiso ng pagtanggal sa trabaho.
Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189 – Ano ito? (Unang bahagi)
Ano ang mga minimum na pamantayang itinakda ng Kumbensiyon Blg. 189 para sa mga kasambahay?