in

KAUNA-UNAHANG FILIPINO FOOD FAIR SA ROMA, DINUMOG NG MGA MIGRANTE

Roma, Oktubre 13, 2013. Dinumog ng tinatayang humigit kumulang sa 200 mga migrante sa Roma ang isinagawang kauna-unahang Filipino Food Fair sa Roma, noong ika-13 ng Oktubbre 2013 sa tanggapan ng Umangat-Migrante sa Via Giolitti 231, Roma.

Ang nasabing Filipino Food fair ay ini-organisa ng UMANGAT-MIGRANTE sa pangunguna ng Komite sa Kababaihan na sinuportahan ng mga iba’t ibang mga negosyante, organisasyon at indibidwal sa Roma na nagnanais na makatulong sa adhikain ng  UMANGAT-MIGRANTE.

Sa pagpapaliwanag ng women’s committee Head na si Virgie I. Reyes, ang Regional Food Fair ay isang eksibisyon ng mga tubong pagkain ng mga Pilipino mula sa ibat-ibang bayan na naglalayon na pagtibayin ang pag-kakaisa nang mga Pilipino sa Roma, maipamalas ang ang kultura ng pagkaing Pinoy at maipakilala ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng pagluluto. Gayundin din ito ay naglalayon na makalikom ng sapat na halaga para sa proyektong Sagip Migrante na isang proyekto ng Migrante International upang tulungan ang mga distress OFW’s na biktima ng karahasan sa ibat-ibang bansa, mga pamilya ng OFW at kapwa Pilipino na biktima ng kalamidad sa ating bansa

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga organisasyon mula saASSOCIATION OF PANGASINENSES IN ROME ITALY, Taskforce OFWs, Patriotic Order of Supremo Andress Bonifacio at mga lider komunidad at indibidwal.Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa malaking alyansa ng mga migrante – Comitato Immigrati in Italia, at mga kinatawan ng Democratic Lawyers of Italy.

Sa pagtatapos ay pinahayag ni Rowena Flores Caraig, Chairwoman ng UMANGAT-MIGRANTE ang lubos na pasasalamat sa mga nagsipagdalo at mga sumuportang sponsor sa nasabing pagtitipon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

European standard ang bagong anyo ng permit to stay na papel

Social card, para rin sa mga imigrante – Legge di Stabilità