Sinimulan noong Oktubre 15, ang pagre-release ng mga bagong permit to stay na papel. Ito ay upang maging mas mahirap gayahin at palsipikahin. Ang mga lumang permit to stay, gayunpaman, ay mananatiling balido .
Rome – Oktubre 17, 2013 – Ang mga permit to stay na nananatiling papel ay pinalitan ang anyo.
Ang balita ay sumasaklaw lamang sa maliit na bahagi ng mga imigrante sa Italya, dahil ang malaking bahagi ay nagtataglay na ng tinatawag na electronic permit to stay, tulad ng isang credit card. Ngunit sa ilang kaso, ang Questure ay patuloy na nagbibigay sa bersyong papel, halimbawa, ang permit to stay para sa medikal na dahilan, para sa international protection at maging sa mga kasong ang electronic permit to stay ay kasalukuyang nasa proseso ng renewal at dahil sa mabigat na kadahilanan ay kinakailangan ang pagkakaroon ng balidong dokumento.
Tulad ng naging paliwanag ng Ministry of Interior sa pamamagitan ng isang circular, ang mga lumang permit to stay ay nananatiling balido hanggang sa magtapos ang validity nito. Sinimulan noong Oct 15 ang pagre-release ng mga bagong permit to stay. Tulad ng A4 ang laki, at dalawang parehong bahagi, ang unang bahagi ay mananatili sa Questura. Ito ay nilimbag ng Istituto Poligrafico e Zecca dello Stato sa watermarked. Bukod sa larawan ng nagmamay-ari ay nagtataglay rin ito ng hologram (a photographic record produced by illuminating the object with coherent light (as from a laser) and, without using lenses, exposing a film to light reflected from this object and to a direct beam of coherent light. When interference patterns on the film are illuminated by the coherent light a three-dimensional image is produced)
Ang mga bagong permit to stay ay ayon sa European standard at inaasahang mas mahirap palsipikahin kumpara sa mga lumang permit to stay. Narito ang halimbawa nito: