in

Sino ang kailangang himingi ng certificate of no criminal record?

Ang artikulo 2 ng legislative decree noong Marso 4, 2014, bilang 39 ay nagsasaad na isang obligasyon, para sa mga employer na mag-e-empleyo ng mga tauhang mayroong regular at direktang pakikitungo sa mga menor de edad, na humingi ng certificate of no criminal record o certificato penale del casellario giudiziale.

Abril 14, 2014 – Ang pagpapatupad sa obligasyong ito simula noong nakaraang Abril 6, ay naghatid ng maraming alalahanin at alinlangan, sa kabila ng  ginawang paglilinaw, bagaman hindi opisyal, buhat sa Ministry of Justice.  

Isang mahalagang paglilinaw ang buhat sa Procura della Repubblica, sa Tribunale di Modena, sa service order n. 14 prot. N. 990 noong April 7, 2014 ang nagbigay ng karagdagang paglilinaw, maging sa pagpapatupad nito.

Ang mga employer na obligadong humingi ng certificate of no criminal record ay ang mga employer na mag-e-empleyo ng mga tauhang mayroong regular at direktang pakikitungo sa mga menor de edad. Sa puntong ito ay maaaring hindi isama ang occasional job.

Ito, samakatwid, ay para sa mga bagong empleyo o nuove assunzioni  (at hindi kasama ang mga trabahong nasimulan na bago ang Abril 6, 2014), kahit na sa pamamagitan ng isang ahensya o asosasyon ng mga boluntaryo. Isang semplipikasyon para sa mga public employer, dahil sapat na ang self certification bilang kapalit ng police certificate, para sa bagong empleyo bilang patunay ng kawalan ng anumang paglabag ng Art . 25-bis.

Ang certificate of no criminal record, na hihingin mismo ng employer o ng sinuman para sa kanya, gamit ang angkop na form, kung saan nasasaad ang written authorization ng worker, ay karaniwang ibinibigay sa loob ng 7 araw, maliban na lamang kung hihingin ang immediate releasing nito. Ito ay hinihingi sa casellario giudiziale sa pinakamalapit na Procura.

Ipinapaalala na ang pag-e-empleyo o hiring ay maaaring maganap bago ang releasing ng nabanggit na certificate kung ang employer ay hihingi ng self-certification sa worker na nagpapatunay ng kawalan ng anumang hatol ng krimen laban sa kanya ayon sa batas .

Sa madaling salita, sino ang kailangang himingi ng certificate?

Partikular, ito ay para sa mga “employer na nagnanais na i-hire ang isang tao upang gampanan ang isang professional activity  o voluntary acitivity na magpapahintulot sa direkta at regular na pakikitungo sa mga menor de edad”.  Tinutukoy ng salitang employer ang isang ahensya o asosasyon na nagbibigay ng voluntary activity, ngunit organisado at hindi okasyunal “, tulad ng paglilinaw ng Ministry of Justice.

At dahil tinutukoy ang salitang “employer”, hindi nito nasasakop ang anumang uri ng kolaborasyon na hindi tumutukoy sa isang ganap na hanapbuhay. Halimbawa ang mga asosasyon ng sports activities. Hindi rin sakop ang mga humahawak ng catekismo sa mga parokya bagaman parehong binubuo ng mga boluntaryo.

Samantala, bukod sa paglilinaw buhat sa Ministry of Justice, ay sinabing ang mga colf at babysitters, dahil batay sa tiwala sa pagitan ng pamilya at ng worker, ay hindi sakop sa bagong obligasyong nabanggit.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Social card, wala ng hadlang para sa mga migrante!

Bakasyon ngayong Semana Santa, silipin muna ang permit to stay