Palermo, Mayo 29, 2014 – Humigit-kumulang sa 600 na kababayang Filipinos ang na-serbisyuhan ng Embahada ng Pilipinas sa nakaraang consular service outreach noong Mayo 17-18 sa Palermo, Sicily, Italy.
Ang 11-man team ay pinamunuan ni Consul General Leila C. Laro-Santos, tumatayo ding permanent representative to the UN agencies sa Rome.Namalas ang konkretong paglilingkod ng 11-katao ng Embahada dahil mula sa alas-7 ng gabing cut-off, ay naglaan pa ng karagdagang dalawang oras (extension) upang mapagbigyan ang mga dumagsa sa dalawang araw na consular service outreach na nabanggit.
Kabilang sa mga mahahalagang serbisyong inilatag ay ang mga sumusunod, passport renewal, new passport para sa newly-born babies, OSP at SPA, dual citizenship, ang OWWA, Pag-Ibig at SSS, maging ang new registration para sa absentee voting.
"Every year pumupunta kami sa iba’t-ibang lugar tulad ng Messina, Catania, Reggio Calabria at Palermo. Sa sobrang dami ng ating mga kababayan nagtatanong na lang sila kung saan may pinaka-malapit na outreach," ayon kay Con Gen. Kasabay nito ay ipina-abot ni Con Gen ang pasasalamat sa pamunuan ng Philippine Don Bosco Association (PDBA) at sa kooperasyon ng ating mga kababayang Filipinos.
Ang nabanggit na proyekto ay naisakatuparan sa pangunguna ng Philipine Embassy-Rome sa kooperasyon ng Philippine Consulate of Sicily at PDBA na nasa ilalim naman ng pamumuno ni Lawrence Mag-iba.
Sa pagtatapos ay ginawaran ng certificate of appreciation ang mga taong nanguna sa magandang adhikain pati na ang mga staff na kinabibilangan ni G. Armand Curameng, isa sa mga adviser ng nasabing asosasyon ay kumakatawan din sa Filipino Association of Talents in Europe sa kanilang maganda at epektibong serbisyo para sa dalawang araw na aktibidad.
"Thanks to God at naging mapayapa at maayos ang consular service na naganap. Taos puso ang aking pasasalamat sa buong team ng Philippine Embassy at lahat ng mga tumulong for a job well done" pagtatapos ng ng PDBA head. (ni: Girlie Turno)