in

CFC Global Walk, ginawa rin sa Milan

Ginanap sa kauna-unahang pagkakataon ang Global walk sa Milan kung saan ang edukasyon, kalusugan, kabuhayan at community development ang mga pangunahing programang layuning tugunan ng CFC foundation.

Milan, Hunyo 4, 2014 – Ginanap ang Global Walk ng Couples for Christ (CFC) – Answering the Cry of the Poor Foundation o ANCOP, sa kauna-unahang pagkakataon sa Milan, Italy. Ang foundation ay itinatag sa Pilipinas, Canada, USA, Australia at Europa na sumusuporta sa iba't-ibang mga programa sa ilalim ng tinatawag na “Church of the Poor”.

Ang mga programa tulad ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan at community development ay ang mga pangunahing temang sinisikap na tugunan ng CFC foundation.

Ayon kay Teresita Bella CFC-ANCOP coordinator, sampung kabataan ang nabiyayaan ng taunang scholarship program ng naturang foundation at inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga kabataan na mabibigyan nang ganitong pagkakataon upang makapagtapos sa kanilang pag-aaral.

First GLOBAL Walk ito sa Milan, sa Pilipinas ay ginagawa na rin ito. Hindi lang sa Milan kundi pati sa Vicenza at iba pang parte ng Italya at sa buong mundo ay ginanap rin ang Global walk” dagdag pa ng coordinator.

Ayon kay Elvis Perez CFC Milan chapter head, tatlong kabataan sa kasalukuyan ang kanilang pinag-aaral, dalawa sa highschool at isa sa college. “Sampung kabataan ang napili ng ANCOP sa buong mundo at tatlo ang kinuha sa Italy” ani ni Perez.

Nagmula sa mother chapter ng CFC sa Pilipinas ang pagpili ng mga kabataan na karapat-dapat na matulungan ng grupo. Sila ay may mga kakayahang mag-aral subalit may malaking pagkukulang sa pinansiyal dahil sa sitwasyon sa buhay.

Napag-alaman na mataas ang drop-out rate ng mga mag-aaral mula sa lahat ng antas sa edukasyon sa Pilipinas dahil kulang ang pondo ng bawat mag-aaral upang tustusan ang mga pangunahin pangangailangan sa paaralan.
 
Ayon naman sa report ng ANCOP sa Pilipinas labing isang mag-aaral ang nagkapag-tapos sa college kung saan 4 ang Cum Laude at 7 naman ang Valedictorian, ang pawang natulungan ng CFC-ANCOP at iba pang mga NGO’s na sumuporta sa programa ng naturang foundation.

Sinabi ni Jinna Marasigan, ang event coordinator ng 1st Global Walk sa Milan, ay dalawang linggo nilang pinaghandaan ang naturang pagtitipon sa tulong na rin ng bawat miyembro ng CFC Milan. Sinuportahan din ito ni Don Alberto Vitali ng Ufficio Pastorale Migrantes, Philippine Consulate in Milan, Filipino Community of San Lorenzo ,CFC Turin , Tau Gamma Phi at ang United Pinoygraphers Club.

Umaga pa lang ay nag tipon-tipon na ang mga lalahok sa Global walk at nag warm-up ang mga ito sa isang malaking parko sa Boscoincitta, Via Novara. Bago ganap na simulan ang global walk ay nagkaroon ng ribbon cutting at prayer para sa tagumpay ng historical walk para sa CFC ANCOP Milan.

Nag-lakad ang buong grupo patungo sa sentro ng park at doon isinagawa ang munting programa at nag salu-salo. Isinagawa ang banal na misa pagkatapos, sa pangunguna ni Father Emil Santos ng San Lorenzo Church.

We shall pursue total christian liberation through social justice , respect life and work for the poor. We are called to love the poor as exemplified by Christ and we are called to be a caring community with one heart and one mind”, bahagi ng mensahe na binasa ni Ernesto Bella CFC-ANCOP coordinator.

Kung kaya’t hindi titigil ang grupo na tulungan ang mga mahihirap at kapit-bisig ang mga ito hindi lamang dito sa Milan kundi sa buong mundo kung saan matatagpuan ang CFC-ANCOP. (ulat at larawan ni:  Chet de Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Flores de Mayo, ipinagdiwang sa Milan

Claudine Bergantinos, kauna-unahang Little Miss Philippines Centro Italia 2014