Si Claudine Bergantinos ang itinanghal na kauna-unahang Little Miss Philippines Centro Italia 2014 na ginanap sa L'Aquila, Italy.
L'Aquila, Hunyo 4, 2014 – Mula sa 11 kandidata ay nangibabaw ang ganda at talento ng taga-Roma na si Claudine Bergantinos nang tanghalin siya bilang kauna unahang Little Miss Philippines Centro Italia 2014 na ginanap sa L'Aquila, Italy kamakailan.
Nakuha naman ng pambato ng Ascoli ang 1st runner-up na si Giorgia Ferri at 2nd runner-up naman ang mula sa L'Aquila na si Jash Lyn Gonzales Cabal.
Kasama naman sa Top 6 sina Abbygail Calangi, Leslie Jane Gambon at Alyssa Promise Quejano.
Dinayo ng mga taga-Roma, Ancona, Ascoli at Pescara ang kauna unahang event na inorganisa ng bagong Filipino community sa L'Aquila na Samahang Pinoy-L'Aquila (Associazione Filippini-L'Aquila) na pinamumunuan ni Janet Gonzales Cabal. Ika nga ng ilang miyembro ng bagong tatag na grupo, halong pagod, pananabik at kasayahan ang kanilang naipuhunan para sa pagdiriwang na ito. Kitang kita ang hands-on workmanship ng grupo; ultimo sa personal na pag-aasikaso sa lahat ng dapat ayusin hanggang sa dekorasyon ng entablado na gawa mula sa mga karton na kanilang inipon.
Hinakot ng 10-taong gulang na si Claudine ang mga minor awards gaya ng:
– Best in Sportswear
– Best in Talent
– Best in Filipiniana
– Best in Princess Gown
– Best in Modelling
Isang rhythmic gymnast ang 10-taong gulang na si Claudine kaya naman ganun na lang ang pagkamangha ng lahat nang siya ay magperform ng kanyang talent. Kakaiba rin ang kanyang Filipiniana attire na likha ni Noli Sta. Isabel dahil imbes na common Filipiniana ay kanya namang binigyan ng kaunting 'twist' dahil hinde lamang sa asymmetrical cut ng pangtaas na bahagi ay kanya ring ginamitan rin ito ng mga detalye buhat sa banig at walis.
Ang iba pang nagwagi ng minor awards ay sina:
Miss Charity
Winner – Leslie Jane Gambon
1st runner – Alyssa Promise Quejano
2nd runner – Abbygail Calangi
Miss People's Choice – Alyssa Quejano
Miss Photogenic – Manila Bianco
Miss Friendship – Manila Bianco
Buong pasasalamat ng Associazione Filippini-L'Aquila sa tagumpay ng kanilang munting patimpalak at sa lahat ng sumuporta sa kanila mula sa simula.
Mula kay Claudine, sa mga batang gustong sumali sa anumang patimpalak ay dapat magkaroon ng courage at determination at higit sa lahat ang maniwala sa sariling kakayahan at pagmamahal sa mga taong susuporta. ulat at larawan ni: Jacke De Vega