Roma, Hunyo 24, 2014 – Sa ikatong pagkakataon ay nagbalik ang JAO’s CUP One-day League with Ginebra at Purefoods Legends nitong Hunyo sa Roma.
Napatunayan muli nina Ej “The Giant” Feihl, Marlou “The Skyscrapers” Aquino at Bal “The Flash” David ng Ginebra at sina Jerry “Defense Minister” Codinera, Nelson “The Bull” Asaytono, Rodney “The Slasher” Santos ng Purefoods ang angking galing sa basketball.
Wala pa ring kupas ang mga PBA legend players at talagang iniidolo pa rin ng mga basketbolista sa Roma. Bagaman retired na, ay mainit pa rin ang pagtanggap sa mga ito.
Tulad ng inaasahan puno ang gym ng mga mahihilig sa basketball at mga ‘fans’. Walang patid ang tilian. Walang humpay ang pagpapa-picture sa mga panauhin habang naglalaro, na naging dahilan upang maagang tapusin ang exhibition game.
Sa pagkakataong ito ay labing-isang team ang naglaban-laban, hinati sa Serie A – GSSI-KINGFISHER, LEMERY, KUMPAREHAN, CIMG-EAGLES, HEIDEES VILLE at Serie B – BARKADAS ROME, NOMENTANA, EASTMAR, WESTCOAST, GERONA WARRIORS, TAALENOS.
Hinirang na MVP ng Serie A si Vincent Tomines at sa Serie B naman ay si Wendel Fajardo. Best Coach sa Serie A si Wendel Fajardo at si Michael Anonuevo naman sa Serie B.
Pasasalamat ang mensahe ng lahat ng mga PBA legends; una sa mag-asawang Jeff at Karen Ocampo sa pagbabalik ng Jao’s cup at gayun din sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanila.
Lubos din naman ang pasasalamat ng Jao’s cup sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito tulad nina Vice Consul Jarie Osias, PIDA Pres. Judito Estopacia, San Paolo Boys sa pangunguna ni Pres. Jojo Mecha.
Matatandaang ginanap ang unang Jao’s cup Champ’s of the Champion kung saan naging panauhing pandangal Bal “The flash” David at si Marlou “The skyscaper ” Aquino. Sinundan nitong Enero sa One-day League with PBA Legends na sina Bong “The Specialist” Ravena, Noli “The Tank” Locsin at Alvin “The Captain” Patrimonio.