Napili, Hulyo 2, 2014 – Pinangunahan ng Unified Democratic Filipino Community of Naples 1977 ang ginawang pagdiriwang ng Independence Day sa Naples nitong June 29, 2014 sa Piazza Carità.
Humigit-kumulang sa 300 mga Pilipino at ang mga Italyano ang dumalo at nakisaya sa ikatlong taong sama-samang pagdiriwang ng nasabing okasyon.
Naging panauhing pandangl sina Vice-Consul Atty. Kristine Margret Malang ng Embahada ng Pilipinas at ang Honorary Consul ng Napoli na si Dott.ssa Francesca Giglio (at ang kanyang kabiyak). Kabilang din sa mga panauhin sina OWWA Officer Loreta B. Vergara (at kanyang kabiyak) at ang kawani ng SSS na si Francisco Bacol. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang Filipino Community ng Pescara, L'Aquila at Salerno.
Sa pamumuno ni Frumencio Romy Marcos ay kasamang itinaguyod ang paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ang mga sumusunod na Filipino Community; COM-FIL NAPOLI & CAMPANIA,DIVINE MERCY NAPOLI CENTRO, UNITED IGOROTS ASSOCIATION, VISAYAS-MINDANAO ORGANIZATION, PEOPLE'S ANTI-CRIME OF THE PHILS – EUROPE CHAPTER, PGBI AZZURRA NAPOLI CHAPTER at GBHFI MEDITERRANEAN CHAPTER NAPOLI.
Iba’t ibang katutubong sayaw at awitin ng Pilipinas ang itinanghal sa pagdiriwang ang lubos na hinangaan ng mga Italyanong panauhin.
Isang masaganang hapag ang pinagsalu-saluhan buhat na rin sa mga grupong nakiisa sa pagdiriwang.
Ang UDFCN 1977, ang host community ng okasyon, ay naitatag noong November 2011. Ito ang nag-mungkahi na magdiwang ng Independence Day sa Napoles kung saan sama-sama ang lahat ng mga grupo o komunidad ng nasabing lugar. (UDFCN1977-larawan ni Stefano Romano)