Hindi pa rin connected ang mga database ng PA, dahil dito ang mga dayuhan ay kailangang pumila at umikot sa mga public offices para sa mga dokumento hanggang June 2015.
Oktubre 6, 2014 – Habang ang mga Italians ay tila nakaligtas sa burukrasya dahil sa kilalang autocertificazione, ang mga imigrante ay kinakailangang magpatuloy pumila sa iba’t ibang mga tanggapang publiko para sa isang pirasong papel na itinuturing pa ring mahalaga para sa batas.
Ito ay nagsimula noong 2012, nang nagpasya ang batas na anumang tanggapang publiko ay hindi na maaaring humingi o mag-isyu ng anumang sertipiko o dokumento, na nagtataglay ng mga datos na matatagpuan rin sa ibang tanggapang publiko at ang mga datos na ito ang gagamitin sa anumang bagay na may kinalaman sa Public Administration. Ngunit may exemption: ang bagong panuntunan ay hindi balido sa mga “espesyal na probisyon na napapaloob sa mga batas at mga regulasyong sinusunod sa imigrasyon at sa kundisyon ng dayuhan”.
Halimbawa, ang isang dayuhang ay maaaring gumawa ng self certification ng kanyang residency tulad ng lahat ng mga Italians dahil ito ay walang kinalaman sa batas ng imigrasyon. Ngunit kung mag-aaplay ng renewal ng permesso di soggiorno per studio, ay kailangang ipakita sa Questura ang certificate buhat sa unibersidad kung saan nasasaad ang sapat na bilang ng mga exams at kung permesso di soggiorno per attesa occupazione naman ay kailangan munang magtungo sa Centro per l’Impiego para sa sertipiko ng pagpapatala sa nasabing tanggapan.
Ang exemption na ito ay dahil hindi connected ang mga database ng mga public offices. Sa madaling salita ang Questura, Unibersidad at Centri per l’Impiego ay walang access online sa bawat isa, at dahil dito ay nananatiling mahirap ang pagsusuri sa self certification.
Noong 2012 ay inasahang ang sitwasyon ay bubuti, dahil isang batas ng parehong taon ang nagtanggal sa anti-immigrant clause na sanay magsisimula noong Jan 1, 2013, at inasahang sa panahong iyon, ang Public Administration ay handa na sa computerized system nito.
Tulad ng kinakatakutan, hindi ito natuloy at sa kasamaang palad ay nagsimula ang pagpapaliban dito. Una, noong June 30, 2013, pagkatapos ay noong Dec 31, 2013, sinundan ulit ng June 30, 2014. Sa ngayon ay hindi na nakakagulat ang muling pagpapaliban dito ng isang taon muli. Sa decreto legge ng August 22, 2014 n. 119 ay nasasaad na ang mga Italyano at mga dayuhan ay pantay sa self certification ngunit tunay nga bang magiging pantay simula June 30, 2015?
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]