in

Aplikasyon online at bagong regulasyon sa mas mabilis na proseso ng citizenship

Ministry of Interior: "Dumadami ang mga nagnanais na maging ganap na Italyano, ngunit ang Viminale ay hindi kayang palakasin ang workforce. Nakatutok kami sa computerization at karagdagang 30 katao sa initial verification”.

Rome – Oktubre 7, 2014 – Sa ngayon, computerization at karagdagang 30 katao. At maaaring sa lalong madaling panahon, ang mga bagong regulasyon. Para kay Interior Minister Angelino Alfano, ito ang kasagutan ng estado upang mabawasan ang burukratikong proseso sa pagbibigay ng italian citizenship, na kasalukuyang nangangailangan ng higit sa 730 days na taliwas sa hinihingi ng batas.

Lumabas ang problema matapos ang isang query ng Per l’Italia sa Kamara. Sa pagtatapos ng proseso ay karaniwang nagiging hadlang at nagpapahaba sa panahon at nape-pending ang mga ito dahil sa paghihintay ng opinyon at ng mga ilalakip na dokumentasyon na hinihingi ng tanggapan na nagiging sanhi ng 3,4,5 o hanggang 6 na taong paghihintay”, paalala ni Deputy Mario Sberna, kasabay ang paghingi sa Ministro ng solusyong para sa kanya ay pinaka mabilis na paraan upang matapos ang mga aplikasyon.

Ayon kay Alfano, ang base ng problemang ito ay ang mga aplikasyon para sa naturalization na nadoble sa huling 3 taon at ang patuloy nitong pagdami, sanhi ng malinaw na paghahanap ng mas matatag na sitwasyon ng mga dayuhan sa host country”. Kasabay nito, mahirap naman na lalong palakasin ang mga tanggapan dahil sa gipit na kalagayan ng public budget.

“Upang mapagtagumpayan ang nabanggit na problema – ay binigyang-diin ng Ministro – ay ipinatutupad ang ilang administrative measures sa pagiging makatwiran at mas simple ng procedure sa pagbibigay ng citizenship, na naging sanhi na makatapos ng dobleng numero ng mga aplikasyon sa kasalukuyan.

Binanggit din ni Alfano ang pagbibigay sa mga prefects ng tungkulin sa aplikasyon ng citizenship for marriage at ang pagsubok na tanggapan na tanggapin ang mga aplikasyon online “na inaasahan ang paglawak sa buong bansa”. Maging ang mga central offices ay sinabing palalakasin din simula Oktubre ng 30 katao na nakalaan sa initial verification ng mga aplikasyon o ang tinatawag na istruttoria.

Bukod dito, dagdag pa ni Alfano, “ay simulang ipinatupad kamakailan ang citizenship computerized system na nag-iisyu ng mga dekreto na sinusundan ng pagpapadala ng indibidwal na resulta sa mga prefecture at ng abiso sa lahat ng mga aplikante."

"Kahit na mananatiling kritikal – dagdag ni Alfano – ang proseso sa pagbibigay ng citizenship ay naging madali kahit papaano. Karagdagang legislative measures, na nilalaman ng mga susog at panukala sa ilalim ng pagsususri ng Parliyamento ang inaasahan, kung saan magkasama ang makabagong ideya at teknolohikal na administrative processing, ay magiging sanhi ng mas maayos na takbo sa pagbibigay ng italian citizenship.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OPEN LETTER

Halaga ng sahod sa pag-aaplay ng carta di soggiorno