“Where Fashion Invades the World”
Milan, Oktubre 10, 2014 – Muli na namang ipinagmalaki ng mga Pilipino sa Italya ang kanilang kakayahang mag- organisa ng mga international events tulad ng fashion show.
Sa taunang fashion week na idinadaos sa Milan Italy, ang “Global Fashion Team” na kinabibilangan nina Romy at Arlie de Guzman(advisers), mga Pinoy international hair and makeup artists na sina JM Ronquillo, Jo Cruzat at Caryne Magbanua, Gilmar Taebas at Christian Villanueva (videographer at photographer) ang nag-organisa sa fahion show.
Sa tulong ni Ronquillo na nakabase sa France, ay inimbitahan ang ilang mga fashion designers mula sa New York, France at Paris.
Samantala ang mga organisers na nakabase sa Milan ang namahalang nag-imbita ng mga fashion designers sa Italya.
Ang Samantha Couture ng France, Silver Compliments ng Paris, Manthey Collections mula sa New York, Patricia Berno ng Italy, at ang Athea Couture.
Siyam na professional models mula sa iba’t ibang bansa ang nag-suot ng mga kaiibang wedding at evenings gowns maging mga casual wears.
Maliban sa mga professional models ay kasali din ang isang bagong diskubreng teen model ang Fil-Italian na si Simone Pani.
Napuno ang lugar na pinagdausan ng nasabing fashion show. Kapansin-pansin na karamihan sa mga professional photographers at videorgraphers ay mga Pilipino buhat sa Italya at France. Maging ang mga hair ang make-up artists ay pawang mga Pinay rin.
Matatandaan na ang Athea Couture nina Jocelyn Gacad at Aresteo Landicho ay ang kauna-unahang mga Filipino fashion designers na lumahok sa Cannes Fashion Week na ginanap sa France nitng taon na hindi nawala sa showcase ng naturang event at muling ipinakita ang kanilang kaiibang likhang mga gowns sa publiko.
Nag-paunlak naman ng kanta si Rajen de Guzman habang ang mga fashion models ay nagpapalit ng kanilang mga isusuot gowns sa backstage.
Samantala, hindi naman nagpatalo at nagpakitang gilas rin ang 14 year old 1st time model na rumampa sa harap ng mga manonood.
“Being a mother of a 14 year old son, I am so much proud of him” wika ni Evelyn Amorin na isa sa mga sponsors ng naturang event.
Maganda umano ang delivery ni Simone at ng produkto na kanyang itinatanghal sa publiko, ayon sa mga manonood. Napag-alaman din na may mga project proposals ang teen model sa bansang France.
Samantala isang kaiibang design na ipinakita bukod sa mga wedding at evening gowns ng Athea Couture, na dinesenyo ni Ares Landicho. Ito ay tinatawag na “Avant Garde” na gawa sa recycle material.
“Inspired by nature, a folk look combines craft elements from variety of ethnic background, and made of news paper as a recycled materials. Shoulders are emphasized to decorate a silhouette that is confident and powerful.” Wika ni Ares.
“As a fashion designer, we have to create more ideas, and to combine Asian and European designs” dagdag pa niya.
Sa huling bahagi ng fashion show ay ipinakilala ng master of ceremonies ang mga organizers at bumubuo ng Global Fashion Team.
“Ako’y masayang-masaya, dahil hindi namin sukat akalain na maraming dadalong mga bisita pati mga unexpected na panauhin” masayang sinabi na Arlie de Guzman.
Ayon sa Global Fashion Team, ang susunod nilang project ay maaring gaganapin sa Monaco at Paris subalit wala pang nakatakdang petsa dahil inaalam pa ang availability ng ilang fashion designers.
“Pag-uusapan namin kung paano pa lalong pagagandahin ang show” ayon kay JM.
Ulat ni: Chet de Castro Valencia
Photos by : Global Fashion Team
Paolo Villasan
Louie Magtibay
Christian Villanueva
Jyd Perez