in

Mga Pilipino, masisipag at mapagkakatiwalaan para sa mga Italyano

Mga imigrante, ano nga ba sa paningin ng mga Italians? Filipinos, Ukrainians at Chinese, positibo para sa mga Italians. Romanians, Albanians at Moroccans negatibo!
 
Roma, Nobyembre 6, 2014 – Mahalaga ang imigrasyon! Kung kaya’t nagsagawa ang Moressa Leone Foundation ng isang survey kung saan  makikita kung ano ang tunay na pagtingin ng mga Italians sa mga imigrante. Ang resulta ay isang uri ng report card: mataas ang stima sa mga Pilipino at Ukrainians, kinatatakutan naman ang mga Chinese, Sinundan naman ng mga Romanians at Albanians.  
 
 
Hindi lahat ng imigrante ay pantay-pantay sa paningin ng mga Italians. Binigyang halaga ang imigrasyon ng Leone Moressa Foundation, kasama ang Open Society Foundation: sa isang survey kung saan 700 pamilyang italyano ang tinanong ng kanilang opinyon ukol sa mga imigrante. Dito lumabas ang tila paboritong komunidad ng host country.  
 
Lumabas sa survey na ang itinuturing na paboritong komunidad ay ang naninirahan mismo sa loob ng tahanan ng mga Italians: ang mga Pilipino na karamihan ay naglilingkod bilang mga domestic workers. Ang 78% ng mga Italians ay kinikilala ang mga Pilipino bilang hard-working sa katunayan 77% ang employment rate ng Filipino community. Samantala 66% naman ang nagsabing tapat at mapagkakatiwalaan ang mga Pilipino at 62% ay sinabing maykaya naman ang mga Pilipino.
 
Mataas din ang stima ng mga Italians maging sa mga Ukrainians. Ito ay dahil na rin sa kanilang pag-aalaga sa mga nakakatanda. Kinikilala ring tapat at maykaya kahit na ang kanilang karaniwang monthly income ay halos 800 euros lamang kada buwan.   
 
Iba naman ang pagtingin ng mga Italians sa mga Chinese. Kinikilalang panganib sa ekonomiya at sa trabaho. Ito ay dahil nasasapawan ng kanilang mga produkto at stores ang sa mga Italians at tuluyang napapalitan ang imahen ng lungsod gawa ng kanilang kasipagan. 
 
Samantala, kung mayroong mga maituturing na mahal na komunidad, mayroon din namang hindi gasinong kinatutuwaan. Ito ay ang mga malalaking komunidad tulad ng Romanians, Albanians at Moroccans na itinuturing na mga tamad at hindi mapagkaka-tiwalaan. Sa Italya, ang mga Romanians ay tinatayang aabot sa 933,000 at para sa 65% ng mga Italians sila ay hindi mapagkakatiwalaan. 
 
Nagatibo rin ang pagtingin ng mga Italians sa mga Albanians kung sipag sa trabaho at katapatan ang pag-uusapan. 
 
Maliban sa mga Pilipino, Ukrainians at Chinese, ang mga imigrante para sa mga Italians ay miserable ang pamumuhay. At nangingibabaw ang estereotipo ng imigrante bilang walang kakayahan at nasa Italya dahil sa tumakas sa sariling bansa. 
 
Sa puntong ito, ayon sa mga mananaliksik ng Moressa, mahalaga ang papel ng komunikasyon o ng media lalo na sa pagbabanggit ng nasyunalidad sa pagbabalita. 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship by birth – Dapat gawin makalipas ang 19 na taong gulang

Gov’t defers action on terminal fee