in

Nag-expired ang permit to stay habang nasa Pilipinas. Paano babalik sa Italya?

Magandang umaga po. Ako ay umuwi ng Pilipinas. Hindi ako nag-aplay ng renewal para sa nalalapit na expiration ng aking permit to stay. Sa kasalukuyan ay scaduto na o hindi na balido ang aking permit to stay. Paano ako babalik sa Italya?
 

Nobyembre 20, 2014 – Ang dayuhang nagmamay-ari ng regular na permit to stay at nasa labas ng bansang Italya sa petsa ng expiration ng permit to stay at samakatwid ay hindi nakapag-aplay ng renewal sa loob ng panahong itinakda, ay maaaring mag-aplay ng re-entry visa sa Italian Embassy sa Pilipinas, alinsunod sa art. 8 ng Presidential decree 394/99.
 
Kahit sa kasong ang permit to stay ay nawala sa panahon ng pagbabakasyon sa labas ng bansang Italya, ang dayuhan ay maaaring mag-aply ng re-entry visa sa Embahada kung saan man naroroon. Dalhin lamang ang report ng pagkakawala na ginawa sa awtoridad lakip ang kopya ng dokumentong nawala.
Maaaring mag-aplay ng re-entry visa kung:
Hindi lampas ng 60 araw ang expiration ng dokumento. 
Hindi isinasaalang-alang ang 60 araw na nabanggit na palugit kung ang dayuhan ay kailangang gampanan ang military obligations nito o sa kasong ang dayuhan mismo o asawa o sinumang first degree family member ay nagkaroon ng malubhang karamdaman, kung ang expiration ng permit to stay ay hindi lalampas ng 6 na buwan. 
 
Sa paga-aplay ng re-entry visa ay kakailanganin ang orihinal at kopya ng expired permit to stay, ang balidong pasaporte at anumang katibayan sa paglipas ng 60 araw na palugit.  
 
Sa pagbibigay ng re-entry visa, ang Italian Embassy ay humihingi ng pahintulot buhat sa Questura na nag-isyu ng permit to stay. Dapat tandaan na mahalagang mapatunayan ng dayuhan ang pagkakaroon ng kinakailangang requirements sa paga-aplay ng renewal o paghingi ng duplicate ng dokumento tulad ng pagkakaroon ng trabaho, pamilya at iba pa sa Italya. 
 
Sa pamamagitan ng re-entry visa ay maaaring magkaroon ng stop over sa anumang Schengen country. Sa pagkakataong makapasok muli ang dayuhan sa bansang Italya, sa loob ng 8 araw ay kailangang magsumite ng aplikasyon ng renewal o ng duplicate ng permit to stay lakip ang mga kinakailangang dokumentasyon. 
  
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ugnayan sa Roma on Nov 30!

Asamblea ng mga Saksi ni Jehovah