Roma, Enero 2, 2015 – Nanumpa ang mga opisyal ng Bicol Saro sa Parrocchia di Santa Pudenziana sa via Urbana 160 Rome, Italy na pinamunuan ni Rev. Fr. Patrick Paul M. DeCastro, OSA na siya ring Spiritual Adviser ng grupo. Ang oath taking na isinagawa ay dinaluhan nina PIDA President, Mr. Auggie Cruz, Fr. Ricky Gente, Chaplain of the Sentro.Filipino Chaplaincy, Mr. Noel Godofredo, President – Tau Gamma Phi, Blas Trinidad Jr. at Aileen Joy Natividad Rabara mula sa Task Force OFW, Nori Argana ng Fractir. Dumalo din si Mr. Romeo Sergio, Jr. – Vice President ng Iriguenos Immigrant of Italy, kasama ang ilang miyembro ng kanilang grupo bilang pagpapakita ng suporta sa kapwa nila Bicolano.
Ang rehiyon ng Bicol (Region V) na tinatawag din na Bicolandia ay kilala sa mga tanyag nitong tourist attractions at destinations gaya ng Mayon Volcano, Butanding (whale sharks) ng Donsol, CamSur Water Sports Complex (CWC) samantalang ang Caramoan at Albay naman ay naging venue ng mga sikat na Reality Shows na Survivor at Amazing Race. Ang rehiyon ay binubuo ng mga probinsiya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.
Layunin ng pagkakatatag ng Bicol Saro (One Bicol) ay pagbuklurin ang mga Bicolano na mula sa iba't-ibang dako ng rehiyon na kasalukuyang naninirahan dito sa Roma upang di lamang patatagin ang pananalig sa Maykapal kundi makapagbigay tulong din sa mga kababayang Bicolano sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad at charity works.
Upang maisakatuparan ang layuning ito, ang grupo ay nahahati sa dalawang aspeto: Una ay ang mga gawaing pang-relihiyon, tulad halimbawa ng Regular Group Mass na isasagawa tuwing 3rd Sunday (10:30am-11:30am), na pinamumunuan ni Gng. Mary Vitti bilang Coordinator. Pangalawa ay ang ukol sa aspetong socio-civico na pangungunahan naman ni G. Adegor Panga Borromeo bilang Presidente.
Ilan sa mga nakalatag na action plan ng Bicol Saro para sa first 100 days in office ng mga namumuno ay ang paglilibot sa iba't ibang Filipino Communities dito sa Roma upang ipakilala ang bagong tatag na organisasyon, magkaroon ng matibay na pakikipag ugnayan sa kanila at mabuo ang kooperasyon ng bawat samahan. Ayon sa pahayag ni Pres. Adegor Borromeo, "Magiging matagumpay ang isang grupo kung makikipag-dialogo at makikipag-ugnayan ito sa ibang organisasyon, kaya napaka importante po ang pagtutulungan ng bawat isa."
Nabanggit din ng bagong nanumpa na Pangulo ng Bicol Saro na magkakaroon ng Bowling Tournament sa Enero 11, 2015 sa Viale Regina Margherita, Roma at Snow Adventure naman sa Campo Felice sa darating na Pebrero 8, 2015. Ilan lamang ito sa mga aktibidad na isasagawa upang maka-ipon ng pondo para may maitulong sa mga nangangailangan na kababayan nating Bicolano sa Pilipinas. Ang pamunuan at lahat ng kaanib na bumubuo sa Bicol Saro ay determinado na maisakatuparan ang planong pagtulong bago matapos ang 2015.
List of Officers:
President – Adegor Panga Borromeo
V-Pres. – Fausto Triumfante
Secretary – Jeanne Alcantara
Asst. Sec. – Gigi Libardo
Treasurer – Tess Javines
Asst. Treas. – Donna Triumfante
Auditor – Gil Ninofranco
PRO – Nilo Escario
Spiritual Adviser: Rev. Fr. Patrick Paul M. De Castro
Coordinator: Mrs. Mary Vitti
Board of Advisers: Aida Nallos Capiz, Lito Placides, Dennis Carascoso, Rodolfo Hernandez
ulat ni: Angela Benjamin
larawan ni: Gigi Borromeo
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]