in

Masiglang ipinagdiwang ang pista ng Sto. Niño sa Milan

VIVA PIT SEÑOR

Milan, Enero 22, 2015 – Masayang idinaos ang ika-21 taon ng selebrasyon ng pista ng Santo Niño sa Milan, Italy. Ito ay pinangunahan ng grupo ng Cebuanos and Friends Association at ng Filipno Catholic Community of Sto. Niño de Cebu Milan, mga deboto sa simbahan ng Sta. Maria delle Consulazione.

Isang prosesyon muna ang isinagawa bago ang misa kung saan nauna ang street dancing kasunod naman ang drum and lyre band.
Maging ang mga deboto ay sumama din sa prosesyon. Iwinagaway-way nila ang mga dalang imahe ni Sto. Niño, kasabay ng  mga puting rosas sa kanilang pagsasayaw na kumukumpas sa tugtog ng banda. Kapansin-pansin rin ang isang deboto na maliban sa Sto. Niño ay may dala rin itong isang imahe ng Black Nazarene.

Habang patuloy ang prosesyon ay inihilera ng bawat deboto ang kanilang mga Santo sa harap ng altar upang pabasbasan ang mga ito kay Rev. Father Alessandro Vavasori sa pagtatapos ng misa. Pagkatapos ng prosesyon ay nagtungo na ang pari sa loob ng simbahan ng Sto. Niño at sinalubong siya ng isang masigabong palakpakan.

Isang banal misa sa pamamagitan ni Father Adriano Castagno ang sumunod.
Kahanga-hanga ang ginintuang boses ng may kapansanang si Princess Hora, 12 taong gulang, sa ginawang pag-awit ng religiuos songs sa isang bahagi ng misa.

Mahigit 50 klaseng imahe ng Sto Niño ang binasbasan pagkatapos ng misa.

Sa isang panayam kay Rev. Fr. Alessandro Vavasori, sinabi nito na napakabilis lumipas ang panahon, kung kaya’t napapanahon na upang baguhin ang pamumuhay. Ipinaalala rin ng pari ang sinabi ni Pope Francis sa kanyang Papal visit sa Pilipinas na kailangan na rin maging evangelizers ang mga pinoy sa Milan.

This is our task, this is our challenge to blend together, to be one family, isang katawan, isang pamilya, isang simbahan, ito ang kahulugan ng atin trabaho sa Milan” wika ng pari.

Nanawagan din si Father Vavasori sa mga magulang na gabayang mabuti ang kanilang mga anak lalo na sa kasalukuyang henerasyon. Turuan ang mga ito na magkaroon ng takot sa Diyos at maging religious, sa kanyang pagwawakas.

 

Chet de Castro Valencia
Photo Credits:Jes Bautista
    
   

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PIDA nagpa-plano na sa nalalapait na Araw ng Kasarinlan

Dayuhang walang permit to stay sa Italya, Flussi o regolarizzazione?