in

Bagong Isee, handa na

Ang bagong bersyon ng ISEE o Indicatore della Situazione Economica Equivalente ay inaasahang magpapahirap sa panlilinlang ng maraming mamamayan. Libre sa mga caf o centri di assistenza fiscale. 

Rome,  Enero 30, 2015 – Mula nursery fee hanggang sa maternity benefits, mula sa scholarship hanggang sa diskwento sa kuryente, tubig at gas. Padami ng padami ang mga sitwasyon kung saan ang isang serbisyo o social benefit ay nangangailangan ng isang dokumento na kung tawagin ay Isee o Indicatore della Situazione Economica Equivalente, kung saan nasasaad kung gaano kailangan ang tulong at kung karapat-dapat tanggapin ang benepisyo. 
 
Mula 2015 ay sisimulang ipatupad ang bagong bersyon ng Isee, at inaasahang ng pamahalaan na ito ay magpapahirap sa panlilinlang ng maraming mamamayan.

 
Kabilang sa mga pagbabago ang pagsasaad ng kabuuan ng kita, kasama ang mga kita na exempted sa buwis. Kabilang rin ang pagbabawas sa paggamit ng mga self certification sa mga pangunahing impormasyon tulad ng sahod o kita at ng mga benepisyong tinatanggap na. Lahat ng mga datos na ito ay awtomatiko nang nasasaad sa bagong bersyon salamat sa koneksyon sa mga database ng Agenzia dell’Entrate at ng Inps. Ito ay tinatawag na ‘precompilato’ sa wikang italyano. 
 
Inaasahan na rin ang higit na kontrol sa mga bank accounts (noon 80% ng mga pamilya ang nagde-deklara na walang pera sa bangko) at ang paggamit ng midyear account balance at hindi na dec 31 tulad ng dati, araw kung kailan, tila himala, ay maraming mga bank account ay nagiging 0 balance at muling nagkakaroon ng pera isang araw ang makalipas o sa pagsapit ng Jan 1.  
 
Ang pamahalaan ay sinisiguro na ang bagong sistema ay isang pagpapagaan, ngunit tinitiyak rin na iilan lamang ang sariling gagawa ng kanilang Isee at karamihan ay magtutungo sa mga Caf na hanggang sa ngayon ay pinababalik ang mga magpapagawa ng Isee dahil ang Inps ay hindi pa nare-renew ang kasunduan para sa paggawa ng nasabing dokumento.  
 
Gayunpaman, ang kasunduan ay pinirmahan na kamakailan at inaasahang simula sa susunod na linggo, ay maaari ng magtungo sa mga Caf upang magpagawa ng Isee. Ipinapaalala na ang dokumento at pagpapagawa nito sa mga caf ay libre. Sa kasunduan ay nasasaad ang pagmumulta ng 300 euro tuwing hihingi ang nasabing tanggapan ng kabayaran. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PREPARATIONS BEGIN FOR PHILIPPINE PARTICIPATION AT 56TH VENICE BIENNALE

Halaga ng sahod ng family reunification ngayong 2015