in

First ASFIL-ROME Pingpong Tournament

Roma, Marso 6, 2015 – Tinanghal na kampeon si Aaron Vasco sa kauna-unahang ASFIL-ROMA Pingpong Tournament (for a cause) noong February 22, 2015. Samantalang nasa ikalawang puwesto si Ed Bautista at ikatlong puwesto si Blas Trinidad Jr.

Sa kolaborasyon ng ASFIL-ROMA at Pinoy Table Tennis Club Rome, layunin ng tournament na pasiglahin at himukin ang mga Pilipino, higit sa lahat ang kabataan, na magkaroon ng panahon at kaalaman sa ping pong at iba pang sports. Sinisigurado ng grupo na dahil sa tabu pay ng kauna-unahang tournament ng ping pong ay magkakaroon pa ng mga susunod na torneo para sa mga propesyunal at ganun din sa mga hindi propesyunal. Hangad rin ng grupo na maisagawa ang isang malakihang torneo, ang 'Hari ng Pingpong sa Italya.'

Ang tournament ay dinaluhan nila:
Rene Buenavente
Blas Trinidad Jr.
Ed Bautista
Majid Buenavente
Stong Licud
Turky Buenavente
Aaron Vasco
Benedict Ballesteros
Erick Uy
at ang Italyanong si Antonio Morelli

 

Nagkaroon ng “1 round-robin elimination” at ang unang apat (4) ang naglaban sa semi-final round, ang mga nanalo ang naglaban sa Championship at naglaban naman ang mga natalo para sa 3rd at 4th.

Ang nalikom na pondo sa torneong ito ay magsisilbing pasimula ng pondo para makabili ng isang mesa ng pingpong na ibibigay ng ASFIL-ROMA sa grupong Pinoy Table Tennis Club-ROME.

Sa pagtatapos ay labis ang naging pasasalamat ng mga organizers sa mga sumuporta at tumulong sa pagsasagawa ng torneo. Inaanyayahan rin ng grupo ang mga mahihilig sa larong Pingpong na makipag-ugnayan lang sa ASFIL-ROMA para sa mga susunod pang torneo.

Jacke de Vega, Teddy Perez

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus bebè, naghihintay pa rin sa implementing rules

Strike for a cause ng RAM, nagpasaya sa maraming kabataan