in

Help desk, inilunsad sa Milan upang tulungan ang mga kabataang kadarating lang sa Italya

Cerco-Offro Scuola, ito ang help desk na inilunsad ng Comune, bukas araw-araw. Layuning magbigay gabay, kurso sa wikang italyano, mediation at labanan ang pagtigil sa pag-aaral. Narito ang video sa wikang tagalog.
 
 
 
 
 

Milan – Marso 17, 2015 – At dahil ang pagpasok bilang manggagawa sa Italya ay lubos na nabawasan, sa ngayon ay ang family reunification ang pangunahing dahilan ng imigrasyon sa bansa. Ang mga imigrante na dumating sa mga nakaraang taon, matapos maabot ang hinahangad na financial stability ay kinukuha ang asawa at mga anak at binubuo ang pamilya sa Italya. 
 
Para sa mga kabataang kinuha ng mga magulang mula sa Pilipinas, isa sa mga pangunahing balakid ay ang pagpasok sa paaralan o sa unibersidad kung mayroong diploma sa secondary school. Sa katunayan, ang mga kabataan ay napipilitang pumasok sa klase kung saan wala kahit na anong naiintindihan at nahihirapang pantayan ang kaalamang naabot ng mga kapwa mag-aral, hanggang hindi matutunan ang wikang italyano. 
 
Ang mga kabataang ito ang dahilan ng paglulunsad ng Comune di Milano, ilang linggo na ang nakakalipas ng isang help desk bilang gabay sa edukasyon, ang “Cerco-Offro Scuola”, na nakalaan sa mga dayuhang mag-aaral na may edad mula 11 hanggang 25 anyos, na dumating sa bansa mula Enero 2012. Bukas araw-araw sa via Deledda 11, sa Civico Polo Scolastico Alessandro Manzoni (M1 at M2 fermata Loreto). 

 
Kabilang sa mga serbisyong ibinibigay ng help desk ay ang scholastic orientation, literacy workshop at pag-aaral ng wikang italyano, linguistic at cultural mediation, gabay sa trabaho direkta mismo sa mga paaralan, linguistic innovation workshop. Ang mga operators ay nakikinig, sinusuri at kinukuha maging ang mga kasong nanganganib na maiwan o huminto sa pag-aaral na ini-report ng paaralan at mga pamilya, pinag-aaralan ang mga ito at ipinapadala sa mga publiko at pribadong tanggapan na maaaring makatulong sa paglutas ng problema.
 
Ang ‘Cerco-Offro Scuola’ matapos ang paglulunsad ay humarap na ang 68 mga kabataan (32 lalaki at 36 babae) ang karamihan sa mga kabataang ito ay buhat sa bansang Pilipinas (24), Sri Lanka (12), Perù (11) at Egypt (6). Ang karamihan ay mga kabataang higit sa 16 anyos (45), at ilang taon na ring nag-aral sa kanilang mga sariling bansa. 
 
"Ang mga kabataang ito – ayon kay School and Education commissioner Francesco Cappelli – ay hindi marunong ng wikang italyano at ito ang pangunahing balakid na kanilang hinaharap sa pagpasok sa mga paaralan. Ang ‘Cerco-Offro Scuola’ ay isang bagong mahalagang serbisyo ng Comune para sa social integration ng mga kabataang kadarating lang sa Milan. “Ang naging trabaho sa mga unang linggo ay nagpapakita ng pagiging epektibo ng serbisyo. "
 
"Ito ay isang napakahalagang proyekto – ayon kay Rita Garlaschelli, head ng Education Regional Office sa Milan – dahil ito ay simula ng pagsilang ng isang bagong solusyon para sa Comune at mga paaralan upang mapalalim ang integrasyon ng mga kabataang dayuhan na kadarating lamang sa Italya. Ang aming layunin ay nakatutok sa integrasyon ng mga kabataang kadarating lamang sa secondary school”    
 
Ang help desk ‘Cerco-Offro Scuola’ ay bukas sa publiko ng Lunes 2.30 – 4:30pm at 6:30 – 8:00pm, Martes, Miyerkules at Biyernes 6:30 – 8:00 pm at Huwebes 1:00 – 3:00 at 6:30 – 8:00 pm at Sabado 10:00 – 1:00pm. 
 
Tunghayan sa ibaba ang video sa wikang tagalog. Bukod dito ay matatagpuan din ang video sa wikang Arabic, Chinese, French, English at Spanish.
 
isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nawalan ako ng trabaho. Paano ko ire-renew ang aking permit to stay?

“Ihinto ang health assistance sa mga undocumented” – Matteo Salvini