in

Isang mag-aaral at hindi nagta-trabaho. Maaari bang gamitin ang sahod ng magulang para sa citizenship?


Magandang umaga, nais ko pong mag-sumite ng aplikasyon para sa citizenship by residency. Ako ay nag-18 anyos kamakailan at kasalukuyang nag-aaral sa unibersidad. Wala akong trabaho at tinutustusan ng aking magulang ang lahat ng aking pangangailangan. Sa pag-aaplay ng cittadinanza, maaari ko bang ilahad ang sahod ng aking mga magulang bilang dokumentasyon ?

 

Abril 7, 2015 – Sa pag-aaplay ng citizenship by residency, sa kasong ang aplikante ay hindi maabot ang kinakailangang sahod o kita ng mag-isa ay maaaring gawin ang akumulasyon ng sahod o isama ang kabuuang sahod ng buong pamilya (o ng nucleo familiare).  

Para sa nucleo familiare ay tinutukoy ang lahat ng miyembro ng pamilya na nakasulat sa stato di famiglia at may relasyon bilang pamilya. Samakatwid, hindi kasama ang nagsasamang lalaki at babae na hindi kasal kahit na may anak pa.

Sa kasong ito, ang akumulasyon ng sahod ay pinahihintulutan dahil ang Ministry of Interior, sa pamamagitan ng Circular K. 60.1 ng Enero 1, 2007, ay nag-pasya na ang sahod ng aplikante ay maaaring batay sa sahod na tinanggap ng buong pamiya at hindi lamang sa indibidwal na posisyon ng aplikante.

Ang posibilidad na pagsamahin ang mga sahod ay ipinatutupad upang pahintulutan ang mga miyembro ng pamilya, kahit na walang sapat na sahod sa pagsusumite ng aplikasyon ng citizenship, ay mapapatunayan na mga dependents o ‘a carico‘ ng head of the family at nagtataglay ng ibang mga requirements batay sa Batas bilang 91/92.

Samakatwid, sa katanungan sa itaas, sa pagsusumite ng aplikasyon, ang aplikante ay kailangang tukuyin ang sahod ng buong pamilya sa huling tatlong taon bago ang petsa ng pagsusumite nito. Halimbawa, kung ang aplikasyon ay isusumite sa taong 2015, kailangang ilagay sa aplikasyon ang sahod sa huling tatlong taon o mula 2012 hanggang 2014. Dapat na tukuyin ang sahod kada taon: 2012, 2013 at 2014.

 

ni: D.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Petsa ng entrance exams sa Unibersidad, nakatakda sa Setyembre

OVERSEAS VOTING: Mga bagong rehistrado sa Italya, umabot na sa 8,000