Muling nagbabalik ang proyektong Foreign Women Cancer Care.Ito ay isang health network upang mapadali ang cancer prevention at treatment sa mga kababaihang dayuhan sa Roma.
Roma, Abril 10, 2015 – Simula nitong Pebrero ay muling nagbabalik ang proyektong Foreign Women Cancer Care. Ito ay isang health network upang mapadali ang cancer prevention at treatment sa mga kababaihang dayuhan.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng I.F.O. Isituto Fisioterapici Ospitalieri di Roma, AIMAC Associazione Italiana Malati di Cancro, Ospedale San Giovanni Calibita Fatebenefratelli di Roma at ng Caritas di Roma (CRS), sa pakikipagtulungan ng Centro per la Pastorale della Salute del Vicariato di Roma at sa tulong ng Ministry of Interior bilang bahagi ng Fei o Fondo Europeo per l’integrazione di cittadini di paesi terzi.
Pangunahing layunin ng Foreign Women Cancer Care project ang higit na pangalagaan ng mga kababaihan ang kanilang sariling kalusugan. Gayun din, na gawing mas madali para sa kanila ang pagtanggap ng cancer prevention and treatment program.
Sa katunayan, salamat sa naging unang proyekto na tumagal hanggang noong nakaraang Hunyo 2014 higit sa 2000 kababaihan ang binigyan ng socio-sanitary mediation, 30 operators naman ang binigyang oryentasyon para sa serbisyo ng mga dayuhan at higit sa 300 ang sumailalim sa mga medical check-ups sa dalawang ospital. Umabot din sa 100 ang mga libreng bakuna anti HPV at higit sa 6000 informative booklets naman ukol sa female cancer ang ipinamigay sa iba’t ibang wika.
Ang magandang resulta nang nakaraang proyekto ang nagtulak sa mga organizers at partners nito ang lumapit sa Ministry of Health upang muling suportahan ang naturang proyekto para sa taong 2105. Hindi naman nag-atubili ang Ministry of Health at dahil dito ay muling nagbibigay ng parehong serbisyo sa mga kababaihang dayuhan hanggang Hunyo 2015.
Para sa gynaecological at breast check-upcheck-ups, anti- HVP analysis at individual and group psychological support:
Info Point AIMaC c/o Ospedale Fatebenefratelli IsolaTiberina
U.O. di Psicologica Clinica – Scala C, ground floor
Martes 8:30 am – 11:30 am
Una at ikatlong Huwebes ng buwan 2:30 pm – 4:30 pm
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 06 6837221 sa oras na nabanggit sa itaas
Para sa gynaecological at breast check-ups, anti HVP analysis and vaccination at psychological support:
Info Point AIMaC c/o IFO Hospital Regina Elena
Via Elio Chianesi 53 – 00128 Roma
Ground floor, sa kaliwa ng entrance hall, katabi ng newspaper stand at ng Day Hospital di Oncologia Medica A.
Biyernes 9:00 am – 11:30 pm (HPV)
Ikalawa at ika-apat na Huwebes ng buwan
2:30 pm – 5:00 pm (breast check-up)
Para sa inyong appointment, tumawag lamang
sa 06 52663333 sa mga araw na nabanggit sa itaas
Para sa oryentasyon ukol sa female cancerscreening :
Punto di orientamento c/o Poliambulatorio Caritas/Crs
Via Marsala 97 – 00185 Roma
Tel No. 06 4463282
Lunes hanggang Biyernes 4:00 pm – 7:00 pm
Para sa lahat ng impormasyon, bisitahin lamang ang www.womencancercare.it