Mas madaling makakapasok sa Italya ang mga high-skilled workers
at magkaroon ng EU blue card. Isang komunikasyon lamang buhat sa employer, matapos pirmahan ang isang memorandum of agreement.
Rome – Mayo 12, 2015 – Nagbubukas muli ang bansang Italya sa mga high-skilled workers. Ang mga maaaring magkaroon ng tinatawag na ‘carta blu’ at mas mabilis na makakapasok ng Italya, salamat sa isang simpleng komunikasyon buhat sa employer.
Ang EU Blue Card ay isang espesyal na permit to stay na nakalaan sa mga dayuhang manggagawa na nakatapos sa sariling bansa ng hindi bababa sa tatlong taon sa higher education at mayroong propesyunal na kwalipikasyon na kabilang sa antas 1, 2 at 3 ng ISTAT professional classification (i-click para sa kumpletong detalye). Sa kasong ang regulated profession (tulad ng mga nakatala sa isang rehistro o ‘albo’) ay kailangang nagtataglay ng mga requirements na hinihingi ng batas.
Ito ay isang napaka-lawak na talaan at nagtataglay ng iba’t ibang uri ng mga manggagawa kung saan nabibilang, halimbawa, ang mga senior managers, computer technicians, propesor, inhinyero, agronomists, programmer, social worker, tour agents o laboratory analysts. Sa kasalukuyan, ang mga nabanggit ay maaaring papuntahin sa Italya ng walang anumang limitasyon sa bilang at hindi na kailangang maghintay pa ng decreto flussi buhat sa gobyerno.
Simula ngayon, tulad ng nabanggit, ang proseso ay lalong naging mas madali. Ang mga kumpanya na pipirma sa isang memorandum of agreement sa Ministries of Interior at Labor ay maaari, sa katunayan, papuntahin ang mga workers sa pamamagitan ng isang simpleng komunikasyon lamang online sa Sportello Unico per l’Immigrazione, ng hindi na maghihintay pa ng anumang pahintulot.
Pagkatapos maipadala ang komunikasyon, ang worker ay maaaring magpunta sa embahada/konsulado upang kunin ang kanyang entry visa. Sa pagdating sa Italya ay pipirmahan naman ang employment contract at maga-aplay ng EU blue card, o “super permit to stay” na magpapahintulot sa pagtanggap ng mga benepisyo katulad ng mga mamamayan."
Ang bagong prosesong ito ay makikita sa isang “joint circular” na ipinalabas ilang araw na ang nakakalipas ng mga Ministries of Interior at Labor.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]