Battle of Dance, Battle of Voice at Little Miss Philippines Italy 2015
Reggio Calabria, Mayo 27, 2015 – Ginanap nitong Mayo sa Reggio Calabria ang Pasiklaban ng Talento Event 2015 kung saan tatlong patimpalak ang naganap: sayawan – Battle of Dance; kantahan – Battle of Voice at ang Little Miss Philippines Italy 2015.
Layunin ng pagdiriwang ang ipamalas at hubugin ang talentong Pinoy sa South Italy. Bukod dito, ay ang pagkaisahin ang iba’t-ibang organisasyon sa Reggio Calabria.
Sa pangunguna nina Rey Rebudal at Donna Ebur, iba’t ibang grupo buhat sa Messina, Catania, Reggio Calabria, Catanzaro at Giarre ang lumahok sa mga nabanggit na patimpalak.
Tinanghal na grandwinner sa Battle of Dance ang buhat sa Giarre, ang MISFITS; pumangalawa ang buhat sa Messina, ang UNIQUE FEMMES at pumangatlo ang buhat sa Catanzaro, ang RAINDROPS.
Samanatala, inuwi naman ni Mean Evangelista buhat sa Messina ang titolo sa Battle of Voice Pasiklaban sa Kantahan. Pumangalawa si John Simon Garces buhat sa Messina at pumangatlo si Kevin Corales buhat rin sa Messina.
Maituturing na ring bahagi ng kulturang Pilipino ang nakakatuwang Little Miss Philippines. Sa murang edad ng mga batang kandidata ay naharap na sa patimpalak na mag-iiwan ng mga hindi malilimutang kaganapan sa buhay bukod pa sa lakas ng loob, self-confident at spirit of sportsmanship.
Tinanghal na Little Miss Philippines Italy 2015 si Bretney Brucal buhat sa Reggio Calabria; 1st runner up si Marie Sole Montiano buhat sa Catanzaro; 2nd runner up naman si Brilyn Arenas buhat sa Messina; 3rd runner up si Kristen Keissa Joy Sacsac buhat sa Messina at 4th runner up naman si Zioxini Acopiado buhat sa Catania.
Naging mahirap para sa mga hurado ang pumili ng mga mag-uuwi ng titolo sa tatlong kategorya dahil sa mahuhusay at magagaling ang mga sumali. Sa katunayan, ang mga hurado na nagbuhat pa sa Roma ay walang tulak-kabigin.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga organizers sa tagumpay ng buong maghapon, dahil bukod pa sa pasiklaban ay nagkaroon rin ng medical mission hatid ng FNA – Rome. Nagkaroon din ng pagkakataong makapag-bigay ng mahahalagang impormasyon at makabuluhang talakayin ni Monsignor Jerry Bitoon ang mainit na tema ukol sa pinag-aagawang West Philippines Sea.
“Taos puso ang pasasalamat naming mga organizer sa mga bisita at dumalo, sa mga magulang at mga sponsors, dahil sa kanila ay naging matagumpay ang Pasiklaban ng Talento event 2015”, pagtatapos ni Rey.
Nagkaroon rin ng pagkakataong bigyan ng parangal o awards ang mga Pilipino at Italyano na nagbigay ng kanilang kontribusyon o nagsilbing halimbawa sa mga kapwa Pinoy sa Reggio Calabria. Sila ay sina:
Outstanding Ofw for Business Management – Jerry Almoite at Romy Lafuente.
Outstanding First Consul of South Italy – Domenico Marciano
Outstanding Religious Groups – Seventh day Adventist Church
Jesus is Lord Church
International Christian Church
Lord Jesus Philippine Fellowship
Word for the World Church
Outstanding Overseas Filipino Worker – Emma Haduc Carubio
Outstanding Star Youth Leaders – Tirso Pons
Caesar Frederick
Olarte Claudia
Benilda Aliazas
Outstanding Sports Leaders – Henry Aquino
Arturo Cosino
Limwel Cinco
Outstanding Civic Organization Leaders– Carmen Perez of MDI
Vilma Rodrigo of ACLI
Willy Aliazas of Comunità Cattolica
Benjamin Erabon of Couples for Christ
Celestial Madula of UFW
Outstanding Italian leader – Francesco Ristagno