in

Italya, ang may Pinakamahabang Pizza sa Buong Mundo

Kinumpirma ng Guinness Book of World Records Judge Lorenzo Veltri na nilagpasan ng Italya ang bansang Spain sa pinakamahabang pizza sa buong mundo.

 

 


Milan, Hunyo 23, 2015 – Sa Milan ginanap ang Guinness Book of World Records 2015 ng pinakamahabang pizza sa buong mundo kung saan may sukat na 1,596.45 metro. Nilagpasan ng Italya ang bansang Spain na may habang 1,141.5 metrong haba ng pizza noong May 31, 2011. Ito ang kinumpirma ng Guiness Book of World Records Judge Lorenzo Veltri.

Ang "pizza Margherita" na gawa sa 2.5 toneladang arina, 1.5 toneladang tomato sauce at 1.7 toneladang mozzarella, 150 litrong of olive oil, sa pamamagitan ng mahigit 800 steel plates gamit ang limang special ovens ay na baked ang pizza. Ito ay ipinamigay sa mga bisita sa World Exposition 2015 pagkatapos itong sukatin at kinumpirma ng book of world records judge.

Ito ay alinsabay sa selebrasyon ng “Tomato World Week” na nagsmula noong June 14 hanggang June 21, 2014.

Sa pangunguna ng Piacenza-based company at ng Italian National Pizza Makers, na may higit 80 volunteer pizza makers mula sa iba’t ibang rehiyon dito sa Italya na naghalo ng mga rekado at niluto mismo sa loob ng Expo 2015 site noong Biyernes ng gabi, June 19, 2015 at natapos kinabukasan June 20,2015 dakong alas onse ng umaga.

"I would like to thank all the people who have collaborated to establish this record, it is such a great joy that this has taken place at the Universal Exhibition" ayon kay Giuseppe Sala, Commissioner of the Government of Italy for Expo Milano 2015 sa isang press statement.

Dagdag pa niya, bukas ang pinto ng Expo 2015 at patuloy nilang iniimbitahan ang mga state leaders sa buong mundo upang makilahok sa malaking event na ito na magtatagal hanggang 31 Oktubre ng taon kasalukuyan.

Sinaksihan din ito ni Milan Mayor Giuliano Pisapia at tumikim din ng marasap na pizza margherita.

Maging ang Ako ay Pilipino ay nabigyan din ng isang slice ng nasabing pizza!

ulat ni: Chet de Castro Valencia

larawan ni: Jesica Bautista

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fil-Italian football player pasok sa National Team Azkals

400 euros, pabigat na halaga ng Lega Nord sa idoneità alloggiativa ng mga imigrante