Mga datos sa website ng UNHR. Sa Italya, umabot na sa 109.500 ang mga dumating.
Roma, Agosto 27, 2015 – Mayroong mga nalunod, ang ilan naman ay nailigtas. Matapos makipag-sapalarang tawirin ang Mediterranean ay nakarating sa baybayin ng Europa. Samantala, mayroon din namang naglaho sa pagitan ng malalakas na alon at bangkay ng lumutang.
Sa website ng UNHCR o UN High Commissioner for Refugees, ay mayroon ng infographics ngayon na patuloy ang paga-update sa bilang ng mga dumarating sa karagatan ng Southern Europe. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng emerhensya sa bilang at sa lugar na nagaganap sa pagitan ng dalawang baybayin ng Mare Nostrum.
Ayon sa website, mula sa simula ng taong 2015 ay umabot na sa 293,035 ang mga dumating sa Southern Europe at 2440 katao naman ang nawala o sumakabilang buhay (na kung karagatan ang pag-uusapan, ang dalawa ay iisa ang kahulugan), ang paglalakbay ay naging isang bangungot. Ito ang kasalukuyang bilang, at ang mga ito ay patuloy sa paga-update.
Ang database ay pangunahing ibinatay ang mga datos mula sa mga pamahalaan, dinagdagan buhat sa ibang alternative sources, at nagtataglay din ng ibang impormasyon tulad ng listahan ng mga nasyunalidad. Nangunguna ang Syrians (43%), Afghans (12%), Eritreans (10%).
Kung Italya lamang ang isinasaalang-alang, simula Enero 1 ay umaabot sa 109,500 ang bilang ng mga dumating. Bagaman magkakaiba ang pinagmulang bansa, nangunguna sa listahan ang Eritreans (27%), Nigerians (12%) at Somalians (8%).
Ang UNHCR ay hindi nagbigay ng bilang ng mga namatay sa mga bansa. At kung ito ay ginawa, sa bilang sa Italya ay maaaring idagdag ang 51 na bangkay na nakita kamakailan sa isang barko sa baybayin ng Libia. Ang mga ito ay nasa biyahe sakay ng barko patungong Palermo.
Unhcr. Sea arrivals to Southern Europe