Ang nilalaman ng decreto flussi 2016 – tatlumpung libong mga banyagang manggagawa ang makikinabang sa pamamagitan ng conversion ng permit to stay at pagpasok ng mga manggagawa mula sa ibang bansa bilang seasonal workers. Narito ang mga detalye.
Rome, Pebrero 2, 2016 – Tatlumpung libong (30,000) mga banyagang manggagawa ang makikinabang sa Decreto Flussi 2016, sa pamamagitan ng conversion ng permit to stay at pagpasok ng mga manggagawa mula sa ibang bansa bilang seasonal workers.
Ang DPCM Dec 14, 2015 o ang “Paghahanda sa pansamantalang pagpasok ng mga non-EU nationals sa bansang Italya para sa taong 2016“, mas kilala sa tawag na decreto flussi ay ilalathala ngayong araw na ito, Martes Feb 2, 2016 sa Official Gazette. Makalipas ang paglalathala ay sisimulan ang paghahanda at pagsusumite ng aplikasyon batay sa mga petsang aming inilathala kahapon.
Narito ang mga bilang.
Non-seasonal entries
1,000 dayuhang manggagawa na naka-kumpleto ng mga formation programs sa sariling bansa batay sa artikulo 23 ng legislative decree July 25, 1998, bilang 286;
2,400 entrepreneurs buhat sa mga sumusunod na kategorya: “businessman na nagnanais na mamuhunan ng halagang mas mababa sa 500,000 euros sa legal na paraan, pati na rin ang pagbibigay ng tatlong (3) posibilidad na trabaho; freelance professionals na nais magpatuloy sa bansa ng regulated professions o ng non-regulated ngunit may kinatawan sa buong bansa sa pamamagitan ng asosasyon na nakatala sa public administration; may administrative position o control na nasasaad sa inter-ministerial decree May 11, 2011, bilang 850; famous artist o highly qualified public o private professionals na nasasaad sa inter-ministerial decree May 11, 2011, bilang 850; mga dayuhang nais sumailalim sa “start up innovative”, batay sa batas bilang 221 noong Dec 17, 2012 sa pagkakaroon ng mga requirements na nasasaad sa batas at nagmamamay-ari ng isang negosyo.
100 mga dayuhang manggagawa para sa non-seasonal job at entrepreneurs na may lahing Italyano buhat sa isa sa magulang hanggang third degree na residente sa mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil.
100 mga non-EU nationals na lumahok sa Universal Exhibition sa Milano 2015
Conversion
Maaaring mai-covert sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato ang mga sumusunod:
4,600 permesso di soggiorno per lavoro stagionale;
6,500 permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale
1.300 permessi di soggiorno CE per soggiornanti di lungo periodo o carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa mga third nationals
Maaari namang i-convert sa permessi di soggiorno per lavoro autonomo ang mga sumusunod:
1,500 permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale
350 permessi di soggiorno CE per soggiornanti di lungo periodo o carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa mga third nationals
Seasonal entries
13,000 seasonal workers mula sa Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, ang dating Yugoslav Republic of Macedonia, Pilipinas, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Morocco, Mauritius, Moldova , Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Ukraine, Tunisia. Kaugnay nito, anuman ang nasyonalidad, ay maaaring makabalik ang mga workers na nakapasok na sa Italya sa nakaraan. Bukod dito, 1,500 ng 13,000 bilang na nabanggit ay nakalaan sa mga seasonal workers na dalawang taong magkasunod na nakarating sa Italya at maaaring makapag-aplay sa multiple entry seasonal visa. Narito ang buong teksto ng decreto flussi 2016.
Narito ang buong teksto ng decreto flussi 2016. Bilang karagdagan, ay maaaring basahin rin ang joint circular na inilabas ng Ministry of Interior at Labor. Bukod sa pagpapaliwanag ng detalye ng decreto flussi 2016, ay ipinapakita ang proseso para sa paghahanda at pagsusuri ng aplikasyon.