in

Carta d’Identità Elettronica, experimental period sa Italya

Nagsimula na sa 153 Comuni ng Italya ang experimental period ng Carta di identità Elettronica.

 

Roma, Pebrero 9, 2016 – Matapos ang pagpapatupad ng paggamit nito sa maraming bansa sa Europa ay sinisimulan na rin ang experimental period sa Italya ng paggamit ng electronic identity card.

Ito ay sisimulan sa 153 comuni at inaasahang sa taong 2018 ay maibibigay ito sa buong Italya.

Ang bagong Carta di identità Elettronica o CIE ay isang smart card na nagtataglay rin ng finger print, bukod pa sa codice fiscale at datos ng kapanganakan ng nagmamay-ari nito. Naka-encode dito ang mga pangunahing datos ng mga mamamayan ayon sa pamantayang ng Europa, na ginagamit na sa e-passport at electronic permit to stay ng mga dayuhan sa bansa.

Ang bagong e-card ay nagtataglay ng higit na seguridad laban sa anumang palsipikasyon tulad ng holograms at iba pa.

Gayunpaman, tulad ng nabanggit, sa Roma Capitale ang pag-iisyu ng bagong dokumento ay nasa experimental period pa lamang. Sa kasalukuyan ang servizio Demografico ng Municipio Roma VII (ex lX na matatagpuan sa Via T. Fortifiocca, 31 lamang ang nag-iisyu o nagva-validate ng anumang extension ng CIE.

Kinakailangan ang personal appearance sa pag-aaplay nito at sa araw ng aplikasyon ay ibibigay ang araw ng appointment para sa releasing naman ng dokumento.

Kung mawawala ang dokumento, ay maaaring humingi ng duplicate na papel ng dokumento sa anumang munisipyo, at ang huling nabanggit ay magpapadala ng ‘richiesta annullamento’ ng electronic card.

Ang Carta d’Identità Elettronica, bukod sa form na manggagaling cashier ng Munisipyo na nagkakahalaga ng € 5,42 ay kailangan ring bayaran ang halagang € 20,00 bilang administrative fee sa Anagrafico batay sa Decreto Ministero Economia e Finanza 16/02/2007.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

USA, kasama ng Italya at Europa sa pagsagip sa mga refugees at sa laban sa sindikato

Halaga ng sahod sa pag-aaplay ng carta di soggiorno sa taong 2016