Sa Italya ay mayroong 59,425 registered voters. Maaaring personal o modified postal voting ang paraan ng pagboto.
Roma, Pebrero 17, 2016 – Ang Halalan 2016 ay ang hahalal para sa ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Ito ay nakatakda sa darating na May 9, 2016 kung saan ang mga registered overseas Filipinos batay sa Republic Act No. 9189 o ang Overseas Absentee Voting Act ay makakaboto rin sa pambansang eleksyon.
Ang mga registered overseas voters ay nakatakdang bumoto simula April 9, mas maaga ng eksaktong isang buwan kaysa sa eleksyon sa Pilipinas, upang bumoto sa Presidente Bise-Presidente, Senador at Party list representatives.
Ayon sa Comelec, ang mga overseas voters, na aabot sa bilang na 138,724 sa Europa kung saan sa Roma ay mayroong 27,791, at sa Milan naman ay 31,634, ay maaaring bumoto sa pamamagitan ng dalawang pamamaraan:
- personal sa mga embahada o konsulado
- modified postal voting. Ang mga registered voters ay maaaring mag-request na ipadala sa kanilang address ang balota para gawin ang pagboto at muling ipapadala sa koreo o dadalhin ng personal sa embahada o konsulado. Ito ay ang tinatawag na modified postal voting.
Sa katunayan, sa isang anunsyo ay ipina-aabot ng Embahada sa Roma sa mga registered voters na nagnanais na matanggap ang kanilang balota sa pamamagitan ng mail ay maaaring mag-request nito sa Special Ballot Reception and Custody Group (SBRCG) hanggang April 22, 2016 sa pamamagitan ng email: ov2016romepe@gmail.com o fax: (+3906) 3974-0872.
Samantala, ipinapaalala rin ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na maaaring bumoto ang mga Pilipino sa Roma kahit walang voter’s id. Ngunit mahalagang alamin kung ang pangalan ay nasa listahan ng Certified List of Overseas Voters o CLOV. Sa online tool ng Comelec ay masusuri kung ang mga pangalan na kabilang sa final list na aprubado ng Resident Election Registration Board (RERB) at nangangahulugang makakaboto sa 2016 National elections kahit wala ang voter’s id.
Narito ang siyam na listahan ng mga pangalang ang voter’s id ay nasa Embahada sa Roma.
Samantala, bago opisyal na simulan ang campaign period ng Halalan 2016 sa Pilipinas nitong February 9, ay inilabas ng Comelec ang certified lists of candidates.
Limang pangalan ang nasa Comelec certified list for president:
- Vice President Jejomar Binay
- Sen. Miriam Defensor-Santiago
- Davao City Mayor Rodrigo Duterte
- Senator Grace Poe
- Secretary of the Interior ang Local Government Mar Roxas
Ika-anim sana sa listahan ang sumakabilang buhay na si party-list Rep. Roy Señeres na nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang presidente dahil sa kanyang health condition. Noong Lunes, Pebrero 8, 2016 ay pumanaw si OFW Family Club Party List Rep. sa edad na 68 dahil sa atake sa puso.
Samantala, anim naman ang nasa listahan para sa pagka-bise presidente:
- Sen. Alan Peter Cayetano
- Sen. Francis Escudero
- Sen. Gregorio Honasan
- Sen. Ferdinand Marcos Jr.
- Camarines Sur Rep. Leni Robredo
- Sen. Antonio Trillanes IV