“Ito ay isang mahalagang inisyatiba, pinaghadaan, pinagkasunduan at ginusto ng dalawang bansa. Ito ay isang malinaw na demonstrasyon na ang pagkakaiba sa tradisyon at kultura ay maaaring maging isang karagdagang value lalo na’t kung ang mga kulturang ito ay magtutulungan para sa kabutihan ng nakakarami”.
Milan, Mayo 5, 2016 – Ganito ipinakilala ni Milan Prefect sa Palazzo Diotti ang dalawang pulis na Chinese na sa loob ng sampung araw ay makakasama ng mga pulis at carabinieri sa mga lugar kung saan maraming turista, mula Piazza Duomo hanggang Castello. Pareho ang gagawin ng kanilang dalawang kasamang pulis sa Roma na ipinakilala kamakailan. Sina Shu Jian at Sai Ming, superintendent at supervisor sa immigration office malapit sa Hong Kong at sa airport ng Shanghai, na bago dumating sa Milan ay sumailalim sa formation course sa sariling bansa, matapos ang isang national level selection.
Si Sai Ming ay nagsasalita ng Italyano dahil nag-aral ng dalawang taon ng scuola media sa Modena. Si Shu Jian naman ay nagsasalita sa wikang ingles. Dito ay wala silang dalang armas at walang anumang operasyon at sila ay kasamang magpa-patrol na naglalakad ng limang araw kasama ang mga local police at sa limang araw naman kasama ng mga carabinieri, upang higit na maging malapit at makapag-bigay ng higit pang seguridad sa kanilang mga kababayan sa Milan.
Ang Milan superintendent na si Antoni De Iesu at ang provincial commander na si Canio Giuseppe La Gala ay sinabing masaya sa inisyatibang ito “experimental but concrete at layuning bigyan ng synergy ang pareho: Italya at China, “ higit sa information exchange, ito at nagpapalawak sa konsepto ng paglalapit ng pulisya at nagtatakda ng mas malalim, epektibo at matagalang pagtutulungan ukol sa seguridad”.
Ipinapaalala na ito ay ang unang naisakatuparang proyekto ng gobyerno at ng Chinese police na may awtoridad bilang European country (ang mga Italian police ay magtutungo rin sa Pechino at Shangai) kasama ang Chinese Consul General sa Milan na si Wang Dong, at sinabing 3 milyon umano ang mga turista na bumibisita sa Italya at sa Milan ay naninirahan, nag-aaral at nagta-trabaho ang halos 70,000 Chinese origin at sa social network ay marami umanong positibong komento ang natanggap ng inisyatibang ito.