“Hindi makatwirang kontribusyon, discriminated ang mga dayuhan, sobra ang ibinayad at dapat ibalik sa mga imigrante ng estado” Ito ang bagong hatol ng Korte ng Milan.
Roma, Hulyo 12, 2016 – Ang buwis ng permit to stay ay tinanggal na ngunit dapat ding ibalik ang ibinayad ng mga imigrante.
Isang pagbabalik-tanaw. Noong Sept. 2, 2015 ayon sa European Court of Justice ang kontribusyon para sa releasing at renewal ng permit to stay ay hindi angkop. Noong May 24 ang Tar ng Lazio ay pinawalang-bisa ang batas dahil hindi ito makatwiran at mula noon, ay patuloy ang pagbingi-bingihan ng gobyerno at ng Ministry of Interior, at hindi nagbigay ng maliwanag na indikasyon na ang buwis ay hindi na dapat bayaran pa.
Anong mangyayari sa mga nagbayad? Ang sagot ay dumating noong July 8 mula sa hukom ng Milan. Ang unang seksyong sibil, sa katunayan, ay hinatulan ng diskriminasyon ang Presidenza del Consiglio, Ministries of Interior at Economy at inutusan ang mga nabanggit na bayaran ang danyos sa anim na imigrante at bayaran pati ang gastusin sa korte.
Ang anim, sa tulong ng mga abogado na sina Livio Neri at Alberto Guariso ng Association for Legal Studies on Immigration (Asgi), ay naghain ng reklamo ng anti discrimination. Ayon sa anim, ay kanilang sapilitang binayaran ang hindi makatwirang halaga ng mga permit to stay kumpara sa binabayaran ng mga Italians para sa releasing ng kanilang carta d’identita, halimbawa.
Binigyan sila ng katwiran ng hukom na si Martina Flamini. Una sa lahat, ay isinulat at ipinaalala ang hatol ng Court of Justice at Tar, “ang probisyon na nagsasaad ng kontribusyon para sa releasing at renewal ng permit to stay (sa pagitan ng 80 hanggang 200 euros batay sa uri ng dokumento), batay sa itinakdang limitasyon, ay hindi makatarungan”. Bukod pa sa dikriminasyon.
“Ang mga naghain ng reklamo- tulad ng mababasa sa hatol – ay naging biktima ng diskriminasyon dahil sa nasyunalidad dahil sila, bilang mga dayuhan na nag-aplay ng renewal ng permit to stay – upang matanggap ang renewal nito at napilitang magbayad ng napakataas na halaga kumpara sa binabayaran ng mga Italians sa pagtanggap ng katumbas na serbisyo”. Sa katunayan, ang halaga ng mga permit to stay “ay mas mataas ng walong beses sa halaga ng releasing ng isang national identity card”.
Higit bang mas mahirap ang proseso ng permit to stay para sa public administration kumpara sa carta d’identità? Ito ang katwiran ng Presidenza del Consiglio at ng dalawang ministries, sa pamamagitan ng pagsasabing “kumplikadong pagsusuri” ngunit hindi nagsumite ng mga patunay na ito ay totoo at samakatwid ang kanilang posisyon ay hindi binigyang konsiderasyon.
Ascertained ang diskriminasyon at nagpasya na rin ang hukuman, samakatwid, sa anim na naghain ng reklamo ay kailangang ibalik ang kanilang binayarang 27,50 sa pagsusumite ng aplikasyon (ngayon ay 30,46 na) para sa printing ng dokumento. At mababawi, batay sa uri ng dokumento, ang 145 o 245 bawat isa.
“Ito ay isang mahalagang ordinansa, dahil sa unang pagkakataon ay ibabalik ang ibinayad sa mga imigrante. Pinili naming ang anti discrimination bilang kaso dahil ang mga kondisyon ay napapaloob na sa hatol ng European Court of Justice”, ayon kay Alberto Guariso sa stranieriinitalia.it.
Para naman sa lahat na napilitang magbayad rin? Lahat ba ay kailangang maghain ng reklamo? “Ito ay depende. Ang pamahalaan ay maaari at dapat na iwasan ang hukuman. Sapat na ang isang dekreto na magtatalaga ng makatwirang halaga ng permit to stay at ang paraan ng pagbabalik sa lahat ng mga imigrante ng kanilang ibinayad. Higit sa lahat at sa lalong madaling panahon, ang paglilinaw na ang buwis na ito ay tinanggal na”.
Basahin ang ordinansa ng hukom ng Milano (mula sa website ng Asgi)
Kontribusyon ng mga permit to stay, tinanggal na!
Ihinto ng Italya ang mataas na buwis ng mga permit to stay – European Union