in

Bagong regulasyon sa pagpasok at pananatili sa Italya ng mga Seasonal Workers, malapit na!

Dekreto ng gobyerno sa pagsasabatas ng European directive. Narito ang mga pangunahing pagbabago, mula sa multi-entry authorization hanggang sa convertion ng mga permit to stay. 

 

Roma, Agosto 29, 2016 – Babaguhin ang mga patakaran para sa mga foreign seasonal workers, na sa kabila ng pagsasara ng mga frontier ng bansa, ay ang bukod-tanging nakakapasok sa Italya upang mag-trabaho sa mga bukirin, restaurants at mga hotels. Sa kundisyong kailangang bumalik sa sariling bansa makalipas ang ilang buwan, sa pagtatapos ng seasonal job.

Katapusan ng Hulyo ay pansamantalang inaprubahan ng gobyerno at itinaas sa Parliaymento para sa opinyon, ang legislative decree scheme na magsasabatas ng Directive 2014/36/EU. Ito ay nakatutok sa mga “Kundisyon sa pagpasok at pananatili ng mga third country nationals upang maitaas ang kalidad ng mga seasonal workers”. 

Ang dekreto, na nagtataglay ng mga pagbabago at ilang bagay na ilalagay pa lamang sa Batas Imigrasyon ng mga batas na nasasaad na sa Implementing rules ang guidelines, ay nagsasaad na ang mga seasonal workers ay maaari lamang mag-trabaho sa mga sektor ng “agrikultura, turismo at hotel”. Ginagawang mas madali ang pagkakaroon ng “multi-entry authorization” o nulla osta, na nagtatanggal sa pagpasok ng mga workers sa pamamagitan ng decreto flussi: sa katunayan, ay sapat na ang nakarating na sa Italya bilang seasonal worker ng isang beses sa loob ng 5 taon at hindi dalawang magkasunod na taon tulad sa kasalukuyan. 

Kahit na ang regulasyon sa tacit consent makalipas ang 20 araw mula sa pagre-request ng nulla osta ay maaari lamang kung ang worker ay nag-trabaho na sa Italya kahit isang beses lamang sa huling limang taon, habang sa kasalukuyan ay kailangang nakapag-trabaho na sa Italya sa naunang taon lamang. Naging mas madali din ang conversion ng permit to stay mula seasonal sa mga mayroong job offer, tempo determinato o indeterminato: ang request ay maaari lamang gawin makalipas ang tatlong (3) buwang trabaho bilang seasonal worker, samantalang sa kasalukuyan ang posibilidad na ito ay nakalaan sa sinumang nakarating na sa Italya bilang seasonal worker sa nakaraan. 

Isang mahalagang pagbabago ay tungkol sa tirahan na kailangang tukuyin ng employer. Ayon sa dekreto, ang anumang upa sa apartment ay hindi kailangang labis kaysa sa kwalidad ng tirahan at sa sahod ng dayuhan at hindi tataas sa 1/3 ng nasabing sahod. Bukod dito ay hindi rin awtomatikong kakaltasin sa sahod ng worker. 

Sa wakas higit na proteksyon para sa mga worker na tinawag ng mga kumpanya na nagkulang ang dokumentayson para tuluyang ma-empleyo ang mga ito. Kung ang pagtanggi o ang pagbawi sa nulla osta o permit to stay ay sa dahilang sanhi ng employer, ang mga employer ay kailangang ibigay ang sahod sa panahong ipinangako na dapat mag-trabaho ang worker sa Italya. 

Sa lahat ng ito ay kailangang hintayin ang opinyon ng House at ng Senado para sa ganap na aprubasyon ng mga pagbabagong nabanggit sa itaas. 

SCHEMA DI DECRETO LEGISLATIVO RECANTE ATTUAZIONE DELLA DIRETTIVA 2014/36/UE SULLE CONDIZIONI DI INGRESSO E DI SOGGIORNO DEI CITTADINI DI PAESI TERZI PER MOTIVI DI IMPIEGO IN QUALITÀ DI LAVORATORI STAGIONALI.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

LEADERSHIP SEMINAR at POLO-OWWA Open Discussion, Ginanap sa Bologna

500 euros para sa mga Italians at non-Italians na 18 anyos mula Septiyembre