in

Filipino Community Catania, may tanggapan na!

“Community Outreach, building bridges of hope”, ito ang layunin ng kabubukas pa lamang na tanggapan ng FilCom Catania.  

 

Catania, Pebrero 2, 2017 – Bagaman simple lamang ngunit makabuluhan ang ginanap na inagurasyon ng tanggapan ng FilCom Catania noong nakaraang Jan 22. 

Sa tulong ng Cavaliere della Mercede, isang onlus institute sa Catania na tumutulong sa mga kapus-palad sa Italya ay nagkaroon  ng tanggapan ang FilCom Catania na matatagpuan sa Via Sanguiliano 60. 

Sa ipinagkaloob na silid, ang asosasyon ay patuloy na makakapagbigay tulong at impormasyon hindi lamang sa ating mga kababayan bagkus pati na rin sa ibang nasyunalidad. Kabilang sa mga serbisyo ng asosasyon ay ang integrasyon partikular ang edukasyon ukol sa ‘diritti e doveri’ ng mga dayuhan sa Italya pati na rin ang mapanatiling regular ang mga dokumento sa Italya tulad ng permit to stay at iba pa.

Sa araw ring nabanggit, bilang simula ng Community Outreach ay sinimulan ng FilCom Catania ang serbisyo ng kawanggawa. Ito ay ang pamamahagi sa kapwa-migrante ng natamong biyaya ng buong organisasyon sa pamamagitan ng ‘mass feeding program’, kung saan nakinabang ang humigit kumulang na 20 refugees. 

Layuning kahit papaano ay maibsan ang paghihirap ng mga refugees na walang matirahan at makain”, ayon sa Leni Vallejo, ang presidente ng FilCom Catania.

Matapos ang tagumpay ng unang feeding program, ay mabilis na nasundan ito noong nakaraang Jan 29 at inaasahan pa ang patuloy na paglawak ng programang ito. 

Ang Filcom Catania ay isang cultural association na ang layunin ay maipalaganap o maibahagi ang kulturang pilipino sa pamamagitan ng integrasyon at pati na rin ang makatulong sa pagsasaayos ng mga dokumentasyon sa pamamagitan ng mga impormasyon.  Itinatag ito noong 2014 sa pamumuno ni Leni Vallejo at bise presidente na si Gerardo Maat Jr. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Amnesty sa bollo auto? Narito ang nasasaad sa tax decree

Mga dapat malaman sa pag-aaplay ng assegno sociale o social allowance