in

30,850, bilang na nakalaan para sa entries at conversion ng nalalapit na Decreto Flussi

Karamihan ng bilang ay nakalaan sa mga seasonal workers at sa mga nasa Italya na at mayroong permit to stay. Narito ang itinakdang bilang.

Marso 7, 2017 – Kakaunti ang itinakdang bilang para sa bagong entries sa trabaho, maraming bilang ang nakalaan sa conversion ng permit to stay. Sa teksto ng decreto flussi 2017, na inaasahang ilalathala sa susunod na linggo sa Official Gazette, ay walang anumang sorpresa. Pinananatiling sarado ang frontier ng bansa, upang kung sakaling bahagyang makabawi ang ekonomiya, ang dapat makinabang ay ang mga walang trabahong Italyano at mga dayuhan na nasa Italya na at hindi ang mga darating na imigrante. 

Ang quota o bilang ng decreto flussi ay 30,850, at ganito ito hinati:

Bagong Entries

17,000 entries para sa mga seasonal workers na magtatrabaho sa sektor ng agrikultura at turismo (2,000 ng bilang na nabanggit ay nakalaan sa mga aplikasyon para sa mga multi-year seasonal work permit) na maaaring manggaling sa mga bansang Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, ex-Yugoslav Republic of Macedonia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine, Tunisia, Sudan. Samantala, hindi isinasaalang-alang ang citizenship ng sinumang nag-trabaho na sa bansa bilang seasonal worker sa nakaraan;
500 entries para sa mga non-seasonal job na sumailalim sa sariling bansa ng mga formation courses, batay sa artikulo 23 ng Testo Unico sull’Immigrazione;
100 entries para sa mga non-seasonal job o self-employment na mga Italian origins na residente sa mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil;
2,400 entries para sa self-employed workers.

Conversion

5750 conversion sa permesso per lavoro subordinato mula permesso di soggiorno per lavoro stagionale;
4000 conversion sa permesso per lavoro subordinato mula permesso di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione;
500 conversion sa permessi di soggiorno per lavoro subordinato mula sa EU long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU countries; 
500 conversion sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo mula sa permesso per studio, tirocinio e/o formazione;
100 conversion sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo mula sa EU long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU countries.

Kahit ngayong taon, ang aplikasyon hiring man o coversion ng permit to stay ay gagawin online. Kailangan lamang hintayin ang paglalatahal nito sa Official Gazette at ang instruction mula sa Ministries of Interior at Labour.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, nakiisa sa ika-31 edisyon ng Carnevale Cisternese

Black Squadron, humakot ng medalya sa National Karate Tournament