in

Kaso ng tigdas o morbillo sa Italya, biglang dami

Biglaang pagdami mula 863 sa 2.581, isang pagtaas ng 611% partikular sa mga probinsya ng Rome, Turin, Milan, Chieti at Padova.

 

Roma, Mayo 27, 2017 – Mula recommended, ang bakuna ng anti-measles ay kabilang sa ginawang 12 obligatory vaccinations sa pamamagitan ng inaprubahang dekreto kamakailan.

Isang kinakailangang hakbang ng gobyerno dahil sa biglang pagdami ng mga nagiging biktima nito. Sa katunayan, ayon sa ulat ng Ministry of Health umabot sa 2.581 ang kaso mula simula ng 2017 hanggang sa kasalukuyan, kumpara sa 863 kaso noong nakaraang taon. Isang pagtaas ng 611% partikular na tumama sa mga probinsya ng Rome, Turin, Milan, Chieti at Padova.

 

Source: Istituto Superiore di Sanità hanggang Mayo 21, 2017  

 

89% ng mga nagkasit ng tigdas ngayong taon ay hindi nabakunahan, 7% naman ang tumanggap lamang ng isang dosage ng bakuna. 34% ang nagkaroon ng komplikasyon, 40% ay naospital, 15%  naman ang nagtungo sa ER. Karamihan ng mga nagkasakit (74%) ay may edad 15 anyos pataas, 155 naman ang mga sanggol na mas bata sa isang taong gulang, edad kung kailan ang sakit ay maaaring maging partikular na mapanganib at maging sanhi ng kamatayan. 

 

Basahin rin: 

Mula 4 sa 12 ang obligatory vaccination, ipatutupad mula sa susunod na school year

Mga Dapat Malaman ukol sa Tigdas o Measles o Morbillo

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PDP Laban Southern Italy Chapter, inilunsad!

Selection ng 26,304 kabataang boluntaryo para sa National Civil Service, simula na